Chapter 10 (edited)

37.3K 897 24
                                    

Minerva's POV


Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako para puntahan si lola sa silid nito pero narinig kong may tawanan sa hapag-kainan kaya dumiritso ako dun pero napahinto ako dahil narinig ko ang boses ni Mama Grasya at Papa Jonas. Dahan-dahan akong umatras para hindi ko madisturbo ang moments nila dahil ngayon lang sila ulit nagkasama sa sobra nilang busy sa trabaho habang ako dito ay naghihintay lang hanggang sa mabagot. Dahan-dahan ang pag-atras ko pero biglang may tumulak sa akin at umakbay papunta sa kusina. Napalingon ako at nakita kong nakangiti si Kevin.


"I've been waiting for you to come down baka kasi mahiya kang sumabay mag.breakfast." bulong ni Kevin. "Morning guys."


"Good morning." Sagot nila.


"good morning hija, come here already." masayang bungad sa akin ni Mama Grasya at sumunod naman ako. Umupo ako sa tabi ng upuan ni Kevin habang nasa microwave pa ang binata at may kinuha dun.


"kumusta ka na dito? balita ko nag-enjoy ka raw sa Marco Polo." napatingin ako kay Papa Jonas. Hindi kami madalas magkausap ni papa Jonas kaya medyo natatakot ako sa kanya pero ngayon ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil nakauwi na ito.


"ah opo. Sobra po kasing ganda ng lugar pa. Nag snorkeling din po kami ni John at lola dahil sobrang linis po ng dagat." Masayang balita ko sa kanila at sa nakikita ko ay ngumiti naman si Papa at si Mama Grasya.

"I'm glad you're having fun. Kevin what about you, give some special time with your wife kahit wala pa ang honeymoon niyo dahil iniintindi din naman namin na busy ka pero hindi ka raw kasama, ano bang nagpapabusy sayo where you've got the privilege na wag magtrabaho for special occasions, paano kayo magkakabuo niyan?. Ano bang ginawa mo at hindi ka sumama? Ibang babae na naman ba ang inaatupag mo? you can do that once you're divorced. I don't do that to your mom sana matino ka rin." para akong nabilaukan ng sarili kong laway sa sinasabi ni papa Jonas. Sobrang easy lang nilang sabihin yun dahil hindi sila ang nasa sitwasyon ni Kevin. Iniipit na naman nila si Kevin kaya napatingin ako sa kanya na mahigpit na humawak sa kubyertos nito. Naiinis ako kay Kevin pero mas naaawa ako sa kanya kapag nasa harap na siya ng mga magulang niya dahil para itong bata na sinisermonan ng mga nito. Hindi niya deserve na ganito ang makukuha niya mula sa parents niya dahil hindi naman niya plano ang mag-asawa ng katulad ko.

"Pa, naintindihan ko po na busy si Kevin. May plano din naman po kami talaga." Pagtatanggol ko sa binata kaya napatingin din siya sa akin.


"relax dad. after this meeting ay ibibigay ko na ang panahon ko sa kanya." sagot naman ni Kevin at napadako ang tingin ko sa lechong paksiw na mainit na. wow ang bango.


"very good son... Hija, I have some gifts for you later, I am pretty sure na magugustuhan mo ang mga pinamili ko para sayo. Ikaw talaga ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang mga yun.. Lechong paksiw ba yan?. Give me a lil bit of this. I crave for this." sabi ni Mama Grasya at kumuha din sa lechong paksiw na nasa harapan ko kaya nilagay ko ito sa gitna.. Napahanga ako sa kasimplehan ni Mama Grasya, Sobra nitong cool tingnan at nakakasuya yun dahil maintain talaga ang balance ng katawan nito. Parang dalaga pa talaga eh.

Baby Maker WifeWhere stories live. Discover now