Chapter 20 (edited)

39.8K 887 34
                                    

After 4 days sa Seattle ay dumiretso na kaming tatlo na umuwi dito sa probinsya at sinundo pa kami ni Tatay kahapon sa airport at nag-arkila pa ito ng sasakyan. Giliw na giliw silang dalawa ni Van kay MJ at si MJ ay ganun rin sa kanila. Pero si Tatay sa aming dalawa.hmmm kailangan daw naming tatlo na mag-usap. Mabuti na lang at sinolo ni Van ang pamangkin nito kaya pumasok sila sa kwarto para maglaro. We need this time bago ako sasalang sa trabaho. Siyempre gusto rin naman ni Tatay at Van na makita at makasama si MJ sa unang pagkakataon at dahil maparaan si Kevin ay bumisita kaming Bohol.

"Tay."

"Kevin... Min... Ipaliwanag mo sa akin ang katotohanan. Alam mo anak na hindi ako nangulit sayo kung sino ang ama ng apo ko simula noon.. Bigla ka na lang tumawag ng dalawang beses na buntis ka noon at noong isang taon na ang bata. Ano ba ang nangyari at si Kevin pala ang ama ng bata?" galit si Tatay at kahit ang dibdib ko ay parang sasabog dahil sa takot na baka mapaano pa siya kaya hindi ko rin mapigilan ang luha ko.

"Masyado akong nadismaya anak na ang anak ko ba ay mababaw--"

"Tay." sabat ni Kevin at tumayo ito at lumuhod sa harap ni tatay. "Tay wag niyo pong sabihin yan kay Minerva. Umalis po si Minerva sa poder ko noon dahil sinaktan ko siya. Hindi ako naging responsableng asawa sa kanya."

"Lumalandi ka ba sa kanya, Minerva kaya ka pinakasalan ng lalaking ito?"

"Tay hindi po. Ako po ang palaging nangungulit sa kanya. Mabait po siya kaya po ako---"

"Kaya mo pinagsamantalahan dahil may utang na loob kami sa inyo?"

"Hindi po tay. Wala po akong alam na may utang na loob kayo sa amin. At lalong hindi po yun ang rason kung bakit ako nangulit sa anak mo. Mali ko po ay sinaktan ko ang anak mo kahit wala naman siyang ginawang masama sa akin. Gago po ako tay."

"Kevin, doctor ka pero hindi ko alam na ganyang klase ang ugali mo. Kahit mahirap kami ay hindi ko hinahayaan na masaktan ang anak ko. Paano ako makakasiguro na hindi mo siya ulit sasaktan? Dito lang ang anak ko at ang apo ko. Hindi ako papayag uuwi siya doon."

"Tay."

"Tay... nagsisisi na po ako. Tay mababaliw ako kapag malayo ulit sila sa akin."

"Tay wala pong alam si Kevin na buntis ako noong umalis ako. Iniwan ko siya dahil gusto kong mag-aral...."

Pak!

Naramdaman ko na parang umikot ang ulirat ko dahil sa lakas ng sampal ni Tatay. Dali-daling tumayo si Kevin at niyakap niya ako.

"Bakit Minerva? Dahil ba mahirap akong ama kaya naging ganyan ka? Gumawa naman ako ng paraan ah kahit iniwan tayo ng ina mo na inilubog tayo sa utang."

dali-daling tumayo si Kevin at pinoprotektahan ako kay tatay. Galit na galit ang anyo nito kung hindi lang siguro ama ang nag-sampal sa ay malamang na sinuntok na niya.

"Tay hindi po. Hindi po."

"Tay ako lang saktan mo. Kaya kong tanggapin ang lahat. Wag lang ang asawa ko dahil hindi ako makakapayag na panoorin lang na sinasampal ang ina ng anak ko. Sa lahat ng sisihin mo ay ibato mo sa akin. Ako lang naman ang nanakit sa kanya." sabi ni Kevin na niyayakap ako.

"Ginawa niya ang lahat dahil sa kagaguhan ko po. Wala siyang ginawa kundi ang mahalin lang ako pero hindi ko yun binigyang-pansin. Ako na makasarili at walang pakialam sa nararamdaman niya noon ay nagsisi po ako. Para sa akin ay nararapat niyang gawin yun sa akin dahil gago ako." mahabang sabi ni Kevin.

"Tay... sorry..." sabi ko sa ama ko na matiim na nakatingin kay Kevin.

Maya-maya ay niyakap ako ng mahigpit ni Tatay na may luha rin sa mga mata nito.

Baby Maker WifeWhere stories live. Discover now