Chapter 55: REVELATION

Start from the beginning
                                    

"Tama, hindi nga ako si diyosang Bulan. Bakit? Alam mo na ba kung sino ako, mahal kong kapatid?" Ang tila nang-iinsultong tanong nito kay diyosang Tala. "...hindi ba't napakagaling ko? Libong taon na wala kayong kamalay-malay ni Bathala na si diyosang Bulan ay matagal ng patay!"

"Hindi, hindi totoo 'yan. Nasaan ang kapatid ko? Anong ginawa mo sa kanya?" Ang malakas na wika ng humahagulgol na si diyosang Tala. Pilit siyang kumakawala sa puwersang pumipigil sa kanya para makagalaw sa kanyang kinahihigan.

"Tulad ng sinabi ko sa'yo mahal kong kapatid matagal na siyang namatay sa aking mga kamay. Naalala mo ba ng huli kayong bumisita sa kuwebang inilaan sa isang batang pinagkaitan ng pag-aaruga at pagmamahal ng isang pamilya? Sabagay ilang libong taon na rin ang nakakalipas mula ng maganap iyon kaya sa tingin ko hindi mo na maalala pa. Pero hinding-hinding mo makakalimutan ang sugatang si diyosang Bulan na napayakap sa'yo ng araw na mawala si Kasanaya? Nang araw na iyon ay hindi si Kasanaya ang nawala kungdi ang mismong kapatid mong si Bulan."

"Napakasama mo, anong ginawa mo sa kapatid ko! Papatayin kita! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Bulan at sa aking ama, magbabayad ka sa ginawa mo!" Ang galit na galit na sigaw ni diyosang Tala dahil sa narinig mula kay diyosang Bulan.

"Masisisi mo ba ako Tala? Naniningil lang ako ng pautang sa ginawa ng ama mo sa akin at sa aking mga magulang. Ipinaghihiganti ko lang ang ginawa ng ama mo ng pinagkaitan kami na makilala man lang namin ang aming mga magulang, ipinagkait iyon ng iyong ama sa amin ng kapatid ko!"

"Kapatid? Sino ang iyong kapatid?" Ang nalilitong tanong ni diyosang Tala sa nabanggit ni diyosang Bulan sa kanya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko nga palang ipakilala sa'yo ang aking kapatid. Ang tunay at nag-iisa kong kapatid. Ang aking kakambal si Daleria!" Ang buong pagmamalaking pagpapakilala ni diyosang Bulan sa isang matangkad na babaeng may tatoo sa gitnang bahagi ng kanyang noo. Napanganga si diyosang Tala pagkakita kay Daleria na nakangiti sa kanya. Tila isa itong gutom na hayop na gustong lumapa sa kanya sa oras na iyon.

"Alam kong magkakilala na kayo, peke kong kapatid. Ako naman ang magpapakilala sa'yo bago sisimsimin ni Daleria ang iyong ganda at kapangyarihan." Ang ngayoy malumanay na wika ni diyosang Bulan sa diyosa ng mg bituin sa kalangitan. "Ako si Kasanaya! Ako ang nagpanggap na diyosang Bulan sa napakahabang panahon. Gusto mo bang malaman kung paano ko ginawa iyon ng hindi ninyo napansin?"

"Kasanaya..." ang mahinang sambit nito sa pangalan ng inakala nitong si diyosang Bulan. Sa pagkakataong iyon ay bumalik sa kanya ang mga alaala at unti-unting bumibigay linaw sa kanya ngayon kung bakit pagkatapos ng insidenteng iyon ay bigla na lamang nag-iba ang ugali ng kapatid niyang si Bulan

"Gusto mo bang malaman kung paano nagmakaawa sa akin si Bulan bago ko siya pinatay?" Ang nang-iinsultong wika ni diyosang Bulan na ngayon ay si Kasanaya kasabay ng kanyang mga malulutong na halakhak. Lumapit sa kanya si Daleria at hinawakan ang kamay ni Kasanaya. "...Plinano ko ang lahat Tala. Ikaw dapat ang sadya kong patayin imbes na si Bulan dahil napakabait sa akin ng kawawang si Bulan. Kaso masyado siyang pakialamero imbes na ikaw ang pumunta sa gubat ay siya ang humanap sa akin. Naalala mo ba na ikaw ang niyayaya kong maglaro sa labas ng kuweba? Kaso mas pinili mo ang maglaro na lamang sa loob ng aking silid. Ang napakabait na si Bulan ay hinanap niya ako sa loob ng kagubatan dahil inakala niyang nagtampo ako sa magaling ninyong Ama dahil sa hindi pagpayag nitong pagsama sa akin sa palasyo."

"Napakasama mo Kasanaya! Paano mo nagawa ito? Itinuring kang sariling anak ni Ama at minahal ka namin ni Bulan ng higit pa sa tunay na kapatid, bakit kasamaan ang isinukli mo sa kabutihang ibinigay namin sa'yo?" Ang galit na galit na si diyosang Tala.

"Wala kang alam sa ginawa ng ama mo sa aming magulang. Pinatay ng ama mo ang aming ama ng dahil lang isa itong Manggagaway na umibig sa isang diyosa mula sa Kalangitan."

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now