+ PROLOGUE +

22 6 1
                                        

⭕️ Xin's POV ⭕️

*BRRR BRRR*

Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag text. Nakita ko naman na pangalan ng aking kaibigan ang nakarehistro. Kahit ayaw ko tignan ang message niya ay ginawa ko parin I-check ito.

"&:/)@:?H&/)-"

Ang sabi sa message niya. Kumunot ang noo ko dahil dito.

"Stop your bullshits right now I'm studying " reply ko sakanya. Binato ko ang cellphone ko sa aking kama at nag patuloy sa pag review sa harap ng aking study table.

Muling nag vibrate ang aking cellphone ngunit Hindi ko na ito pinansin pa. Ayaw kong mag-aksaya ng oras sa kalokohan ng aking kaibigan.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit Hindi parin tumitigil sa pag vibrate ang aking cellphone. Dahil na rin siguro sa inis ko ay Muli Kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang message ng aking walanghiyang kaibigan.

"7/)1$@/E&/$/L"

"$/?1P&.)-...$/&8-M"

"&.$/?17^|£]?E,&:81"

"&.$2?1@:"

"P$:-7L&.&/)...E"

"&,/)A.$/'S'-&:)/!E!!!"

Yan ang ilan lamang sa mga text's niya.

"BORA STOP IT! WALA AKONG PANAHON SA MGA JOKES MO!" Reply ko habang buisit na buisit pa ako na I-type ang isusunod Kong irereply.

"KUNG GUSTO MO MAKIPAG BIRUAN WAG SAKIN BORA!" At muli Kong isinend sakanya.

Nag vibrate naman ang aking cellphone at nakita ko ulit ang message niya.

"PAPATAYIN NIYA AKO XIN! TULUNGAN MO KO!"

Sa reply niyang iyon ay kinabahan ako. Ngunit kilala ko si Bora. Hindi niya ako mauuto sa mga kalokohan niya.

"Bora, mag-review ka na lang. May quiz tayo bukas. Kung gusto mo ng may kalokohan wag ako. Humanap ka ng iba " mahaba kong litanya sakanya. Bago ko pa man patayin ang cellphone ko ay nag vibrate ulit to.

"I'M TELLING THE TRUTH!" Sabi niya. Nirolyo ko ang aking mata dahil sa kalokohan ni Bora.

"Nice Joke, I'm going to sleep now." Reply ko saknya. Akmang papatayin ko na ang cellphone ko ng may nag message saakin na ibang number.

"Ignore&Die"

Ang sabi sa massage ng unknown number.

Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan ng pinatay ang cellphone ko.

___________________

It's my first time writing a story po. Hope you enjoy the prologue ^^

Chapter ( ONGOING )Where stories live. Discover now