" Naku Delfin baka naabala na kita. Baka may date pa kayo ng girlfriend mo" Pga-aalalang wika ko. Napangiti si Delfin. Bakit ba ang guwapo ng lalaking ito?

" It's okay. Wala akong girlfriend I am single ready to mingle." Pilyo nitong sagot. Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.v

" Naku kung single lang ako baka masasabi ko din ready mingle. sabi nito." Pilya ko ding sagot. Napatawa ng mahina si Delfin.

"Hindi naman ako makapaniwala na single ka at wala pang girlfriend?" Hindi makapaniwalang wika ko sa kanya.

"Yeah, it's true. My priority, for now, is my career. I am busy with my work."

" Ano bang work mo?" I asked him.

" I am an Engineer. Palagi kasi kaming may project kaya wala na akong time makipagdate." Napangiti si Delfin kaya mas lalo lang naging guwapo. Mukha din siyang mabait. Masuwerte ang babaeng magugustuhan niya. Kahit saang anggulo mo tingnan wala kang maitatapon. Naalala ko tuloy si Mikael. Busy din iyon pero may gana pang mambabae. Hindi naman yata mabubuhay iyon kapag walang babae.

Naayos din ang pagpablotter ko sa police station sa nangyari sa akin. Buti na lang kasama ko itong si Delfin. Nasa bandang Rizal pala itong lugar kung saan ako dinala ng mga kidnaper ko.

Nagpahatid na din ako kay Delfin dahil papunta naman siya ng Makati.

Pagkababa ko sa kotse sinalubong ako ni Stefano na aalang alala ang mukha. Pero nung napadako ang mata kay Delfin mukha na siyang lumalanding bakla. Anong ginagawa ng baklang ito sa bahay ko?

" Oh, my god baks anong nangyari sa iyo? Nag-aalala kami. Mukha namang walang nangyari sa iyo." Bulong niya sa akin. Inirapan ko siya. Paano niya nasabi na walang nangyari?

Napatingin ito sa kasama ko. Bigla niya akong kinurot sa tagiliran ko malapit sa dede ko.

" Hoy, baks sino yang kasama mong fafa? Ikaw huh akala ko nakidnap ka? Lumalandi ka pala" Bulong ni Stefano sa akin. Bigla ko siyang hinampas.

" Bakla dede ko iyong kinurot mo!" Reklamo ko sa kanya. Napatakip ako ng bibig napasulyap ako kay Delfin napalakas ang pagkakasabi ko ng dede.

" Oh, sorry akala ko bukol lang." Napasimangot ako. Ang yabang ha? Oo na wala akong masyadong bukol este hinaharap.

" Siya nga pala si Delfin ang tumulong sa akin." Pakilala ko kay bakla.

" Salamat sa pagtulong mo sa bestfriend ko. I owe you este we owe you a lot" Biglang naging lalaki ang boses ni bakla.

" Walang ano man." Tipid na sagot niya. Nagpaalam na din si Delfin dahil may kikitain pa siyang kaibigan. Nang makaalis mn siya hinarap ako ni Stefano. Yinakap niya ako.

" Naku alalang alala sa iyo si Kuya Mikael. Halos magalit na nga sa amin kasi hindi ka pa namin nakikita." Kuwento ni Stefano sa akin. Buti naman concern pa sa akin ang lalaking yun. Isang linggong walang paramdam tapos akala mo concern siya sa pagkawala ko.

"Tatawagan ko lang si Kuya Mikael." Pipigilan ko sana natawagan na niya. Napanguso ako. Iniabot sa akin ni Stefano ang phone niya. Nagdalawang isip pa nga ako. Pinanlakihan ako ng mata ni Stefano. Kaya napilitan akong pakinggan ang nasa kabilang linya. Hindi ako kumibo.

" Fuck, Stefano I've been waiting for your fucking call for 5 hours!" Nailayo ko ang phone kasi nabingi ako sa lakas ng boses ni Mikael. Grabe naman makamura ng lalaking ito.

" Can you please lower down your voice and please don't shout at me" Malumanay pero may inis sa boses ko.

Natigilan si Mikael sa kabilang linya.

" City?" Sambit niya sa pangalan koawag niya ko. Hindi ako kumibo. " Babe?! Is that you?" Napanguso ako.

" Opo it's me. Kung hindi pa ako mawawala hindi mo na ako maalalang tawagan. Ganoon na ba ako kawalang halaga sa iyo? I've been waiting your message for over one week. Imagine mo one week Mikael ni isa wala. Naiisip mo ba ang nararamdaman ko? Naghihintay ako sa wala? Sana man lang kahit hello man lang matutuwa pa ako. Atleast alam ko na hindi mo nakakalimutan." Napaluha ako. Ewan ko ba bakit ngayon ako naging emotional ng marinig ko ang boses ni Mikael. Naghihinanakit ako sa kanya.

" No, it's not true. Walang oras na hindi kita naiisip at namimiss. Kung pwede nga lang lumipad ako ngayon din gagawin ko. Pero hindi naman ako si Superman. Believe me I want to be with you right now. I love you babe. I am sorry kung naisip mong hindi ka mahalaga sa akin. Mahalaga ka sa akin. I want to message you pero dahil sa layo ng lugar na pinuntahan namin wala akong signal. Nandito ako sa city kaya nakatawag na ako sa iyo. Please babe huwag ka ng magalit sa akin" Gumaralgal ang boses ni Mikael sa kabilang linya. Napaiyak na akong tuluyan. Hindi ko pala kayang mawala si Mikael. Miss na miss ko na siya. Gusto ko ng yakapsul at kispirin niya.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon