Chapter 18: Escape

97 20 3
                                    

April POV

Pauwi na ako sa bahay nila Xan ng makaramdan ako na parang may nakasunod sa akin. Kapag lumilingon ako wala namang kakaiba sa paligid. I guess I have to play the game that what I call ESCAPE GAME.
Habang lumalakad ako naglagay ako ng earphone sa tenga at kunwari nag jojogging ako kahit gabi na.
Tumatakbo ako ng mabagal pero ng maka punta ako sa lugar na maraming tao tumakbo na ako ng mabili.

Alam ko na si Mama o sino man sa mga miyembro ng Yamamoto ang may pakana nito.
Malapit na ako sa kanto para makaliko sa street nila Xan pero may mga lalaking naka itim at may mga telepono.

Shete..kilala ko ang mga ito. Paatras na ako ng may mabangga ako.

"Hawak na po namin siya... Okay..."
Sabi nitong isa na nakahawak sa'kin.

"Miss April sumama po muna kayo samin utos ng Lolo niyo."

Hindi na ako pumalag at sumakay sa kotse nila. Alam ko na ito. Tsk!

Halos isang oras kaming bumayahe at nakarating sa bahay ni Tita Nao at malamang nandito na rin si Lolo.

Si Lolo Himamura Yamamoto o mas kilalang Mr. Yama kapag narinig mo na ang pangalan niya siguradong ikakabagsak mo. Papasok palang ako ng pinto naririnig ko na ang katahimikan ng buong paligid ko.

Nakita ko si Papa sa tabi ni Tita Nao at si Lolo naman ang sumalubong sa'kin hawak ang kanyang tea cup.
Matanda siya pero iisa parin ang emosyon ng mukha niya.

"Talaga bang apo ko ang isang ito!?"

Nagulat ako ng ibato niya sa harapan ko ang tea cup niya. Ano pang aasahan ko. Palagi naman niyang ginagawa ito dahil anak sa labas si Papa.

"Dad.. ako na ang mag sosorry kay April... Please calm down."sabi ni Papa.

"Ano pang aasahan ko... At ikaw Aprileine--"

"Don't you ever call my name Grandpa Yama.."napangisi ako pero sinugod niya ang sabay sampal sakin ng sobrang lakas kaya napasubsob ako sa sahig. Tumayo ako na hawak ang pisngi ko pero walang bakas ng luha ang makikita sa akin mata.

"Bastos ka! Kailan mo pa natutunan gawin yan sa'kin?!"sigaw nito pero inawat naman ako ni Tita Nao.

"Enough April..."

"No! Bakit ba takot na takot kayo sa kanya? Ano bang pakialam niya sa apo niya sa labas. Simula pa noon palagi kaming nakahiwalay, ewan ko ba kung bakit pinagsiksikan pa namin ang sarili namin sa inyo. Ang malas ko lang at Yamamoto ng apelyido ko. Umalis na nga ako ng bahay dahil ayuko sa inyo. "Sabi ko sabay lakad paalis pero pinigilan ako ng bodyguard niya.

"Sege... Kapag umalis ka may mangyayari sa company ng tinitirahan mo."Sabi ni Lolo kaya nilingon ko siya.

"Ano bang kailangan niyo.Marami kayong apo pero bakit pinag titripan niyo ko?"bulyaw ko.

Wala akong pakialam kung sino pa ang matandang ito pero hindi gusto ang laro niya.

"Do you wanna play my game?"

Tsk! Ayuko ng laro niya....


"Simple lang.... Ang taya ay ang Kompanya ng Martinez.."
Nakangisi siya habang naaawa sa'kin.

Anong iniisip ng matandang ito para idamay ang Kompanya nila Xan.

"Ang dali mo palang mapasunod..sa lahat ng apo ko ikaw ang paborito ko dahil wala kang pinagkaiba sa Lola mo na Mama ng Papa mo... "

Nakakainis ka!

Hindi ako makaimik maging si Papa at Tita Nao..
Lahat napapasunod niya.tsk! Tao pa ba siya!?

"Kailangan mong umalis sa bahay ng Martinez para makipag sunod kay Felix tulad ng gusto ng Mama mo at yun ligtas ang Kompanya nila at makikita mo pa sila."

"No! Hindi ako papayag"

Ayuko!!!!

"Or... You stay with them until the end of February pero aalis ka at hindi na makikipagkita."

"Wala sa mga yan."sabi ko na naiiyak nalang.

"I got it... Don't tell me gusto mo yung anak nila Yumi and Albert Franco Martinez? So ano gagawin mo para isalba sila? Walang magagawa ang Love pagdating sa pera."

Anong laro ito!!!

Umiyak nalang sa kinatatayuan ko. Bakit nadamay pa sila. Kasalanan ko ito.Bakit hindi siya nagbabago..

"Sege... Hindi ako magpapakita kay Xan o pamilya niya pa pero hindi ako magpapakasal kay Felix. Susunduin ang gusto niyo pero hayaan niyong makasama ko sila hanggang sa katapusan ng February."sabi ko at tuluyan ng umiyak sa harap ni Lolo.
Dapat hindi sila madamay lalo na at ako ang dahilan nun.

Tuwing mag 18 years old ang mga Yamamoto nagkakaroon ng Meeting Marriage.

"Please.. hayaan mo sila."napaluhod ako at nagmamakaawa sa kanya.

"It's up to you.. Do your words babalik ako sa petsa na sinabi mo at dapat tapos na rin ang gawain mo sa school mo."umalis si Lolo at agad na lumapit sa'kin si Tita Nao. Papalapit narin si Papa ng higitin siya ni Lolo.

Wala siyang kasingsama dahil nasa tuktok siya. Hindi ako pwedeng kumilos ng hindi pinag iisipan.

Hinatid ako ng tauhan ni Lolo pauwi kay Xan. Nakita ko si Xan na nasa labas ng gate at nakasubsob sa kanyang tuhod. Lumapit ako at agad siyang tumayo papunta sa'kin. Bakit bigla ko siyang na'miss ng ganito.
Nang makalapit na ako niyakap ko siya habang nalulungkot sa mga nangyayari. Iiwan ko siya dahil sa kasunduan.

"Hoy? Bakit ganyan ka?" Tanong ni Xan at kumapit sa balikat ko pero ngumiti ako sabay pisil ng pisngi na at pumasok sa loob.

Alam kong pinag alala ko siya dahil late na akong nakauwi. Pagpasok ko sa tent sandali akong tumingin sa oras at 11:11 na pala. Umiyak ako dahil hindi na ako makakapalag sa gusto ni Lolo kung hindi lagot na. Sinabi ni Tita Nao na ganun talaga ang kapalaran namin. Daig pa namin ang robot na sumusunod sa nag kokontrol.

Ewan ko... Hindi na ako makakatakas sa laro ni Lolo.

Huhuhu...









Xan POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng marinig ko na umiiyak sa loob ng tent si April. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanya kanina. Gustuhin ko man na lapitan siya pero mukhang hindi ko dapat gawin yun ngayon. She needs space.

Kanina nung yakapin niya ako para bang ayaw ko ng umalis sa pagkakayakap niya. Hindi naman niya sinabi ang dahilan kung bakit niya ako niyakap pero ayos na rin yun dahil nakabalik na siya.

Tutulog na ako pero nakita ko na sumilip si Mama sa pinto at agad din naman umalis.



*****************

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon