Chapter5

131 16 5
                                    

Xan POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinatira ko ang anak ng mas mayaman pa sa amin sa bahay namin. At hindi lang yun nakiki'share pa siya sa kwarto ko. Kilala ang pamilya Yamamoto sa mga malalaking company lalo ang company ni Papa at hindi sa mga mahihirap. Hindi ko lang maintindihan kung bakit lumayas si April sa kanila para lang hindi makipag sundo sa best friend niya.

Apaka...Apaka chossy ng ate mo.

Habang naglalakad kami naisip ko na tanungin siya para naman may alam ako about sa kanya.

"April.. pwede ka bang mag kwento tungkol sayo?"

Sandali siyang tumingin sakin bago magsalita.

"Actually... Dapat mong malaman na ang Papa ko ay anak sa labas ng Lolo ko. Sabihin na nating mayaman kami pero pakiramdam ko mahirap parin kami dahil sa pang mamaliit ng ibang pamilya namin. Kapag anak ka sa labas wag ka ng umasa na pamamanahan ka dahil para lang yun sa tunay. Kaya nga sa lahat ng Yamamoto Family kami ang pinakamaliit. Kaya naman masasabi ko na pasaway akong anak ni Papa."sabi ni April habang ngumingiti.

Ang dami niyang nasabi. Hindi ko akalain na anak pala ang Papa niya sa labas at hindi sa loob.

"Paano mo naman nasabi?"

"Sabihin na nating ni minsan wala akong sinunod sa utos niya.Tulad ngayon tumakas ako kasi ayaw ko ng plano nila."

"Ikaw ba Xan. Anong kwento mo?"

Ano nga ba?

"Ako? Pareho lang tayong pasaway." Natawa si April sa sinabi ko pero totoo ang sinabi ko. Hindi pa ba halata na pasaway ako sa parents ko.

"Uhm.. Nung grade 10 ako ng mag simula akong mahilig sa Boys Love. Nahuli ako ni Papa na nagbabasa ako nun kaya kinuha niya ang motorbike ko. Pero hindi ako nahinto dahil gusto ko maintindihan kung bakit ba nagagawa ng mga lalaki na magkagusto sa lalaki. It's either bakla sila o bisexual. And the second time nahuli na naman ako ni Papa na pinapanood ko na ito kaya naman yung allowance ko ang kinuha niya. Naalala ko si Bianca ang bumibili ng Lunch ko noon. Hindi nagtagal binigyan din nila ako ng allowance. Sabi ni Papa bakla ako pero I can't denied kasi nga kahit ako hindi ko rin alam."sabi ko tapos napapatawa nalang tuwing iniisip yung dati.
Nagagawa ko pang manghingi sa Tita ko ng pera pambili lang ng libro.

Adik na ako sa BL simula pa noon kaya nagkaletche letche ang buhay ko.

"So.Bakla ka nga? Hahaha.. ang pogi mo namang bakla."pang aasar ni April sa akin.

I'm gay? I'm not pretty sure kung ano ba talaga ako but I used to called myself as Gay kung yun nga ba ako.

Tsk! Whatever.

"Ayuko na nga sayo. Mabuti pa si Bianca She always support me and accept what I am."sabi ko naman.

"Do you like her?"tanong ni April.

Anong pinagsasabi nitong si April. Bianca is my best friend.




"Yes. As my sister duh~~"sabi ko.


"Bakla.."sabi naman niya ng makarating na kami sa bahay.

Nauna na siyang pumasok habang ako naman nakasunod lang sa kanya. Nakita ko si Mama na kumakain ng cake sa Living room habang nanonood ng T.V. I kiss her ng makita niya ako. Mabuti at wala si Papa. Paniguradong marami na naman siyang sasabihin.


"Alexander ikuha mo si April ng cake."utos ni Mama.
Ganyan si Mama. May katulong na nga uutusan pa ako.

"Ma. Anong silbi ng Maid kung ako lang din naman ang inuutusan mo pati paglalaba ako ng gumagawa."sabi ko tapos kinuha ang cake ni Mama mula sa kamay niya.
"Wag mo nga akong binobola Alexander nagpapa'laundry ka lang naman."sabi ni Mama.

As if naman na marunong ako maglaba.

"Kelan mo ba babaguhin ang pagtawag mo ng Alexander sa'kin."sabi ko kasi nakakasawa ng tawagin ng Alexander kulang nalang lagyan ng THE GREAT sa huli.

"Kapag nagbago ka na. "Sabi ni Mama.
"Uhmmm.. April may boyfriend ka na ba?"tanong ni Mama.


"Wala pa po,"sagot ni April

"Kaya nga siya lumayas dahil ayaw niya sa best friend niyang Pogi at hottie."Agad naman akong tinulak ni Mama ng sabihin ko yun.
"Alexander!!"

"Joke lang naman. Sege pupunta na ako sa kwarto."sabi ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko kumuha muna ako ng damit para makapagbihis. Tatanggalin ko sana ang butones ng biglang may tumawag sa'kin.
Sino kaya ito bakit hindi naman naka save sa phonebook ko ang number nito. Si Bianca kaya ito? Siya lang may alam ng number ko pati si Mama. Di bale baka kilala ko kung sino ito.

"Hoy! Bakla ! wag na wag mong papahirapan si April!"

Tsk.. wala man lang "Hello" bago mambulyaw ang sakit kaya sa tenga. Hindi pa ba siya nadala kanina sa Coffee Bar.

"Bakit mo ba ako sinasabihan ng ganyan~~ Boyfriend ka ba niya? Sa pagkakaalam ko Best friend ka niya o baka naman may secret feelings ka sa---"

"SHUT UP! PWEDE BA BAGO KA MAG ISIP NG KUNG ANO ANO. AYUSIN MO SARILI MO. SAYANG YANG LAHI MO KUNG MAGIGING BAKLA KA!"

BWESIT!Ang sakit sa tenga ng lalaking ito. Akala mo naman boyfriend ni April para pagbilinan ako ng ganun.

"Type kasi kita My baby Felix."

Hahahaha sigurado nagwawala na siya sa galit ngayon.
Agad kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko baka kasi sumigaw siya.

"BAKLA!!!!!!!"

Ayan! Pinatayan na ako ng sabihin niya yan. Tumawa nalang ako habang nag aalis ng Uniform. Akala niya hindi ko siya papatulan ah. Don't me Baby.






April POV

Papunta ako ngayon sa kwarto ni Xan siguro naman tapos na mag bihis yun. Kailangan ko lang ng damit at mag bibihis nalang ako sa banyo nila.

Bukas na pala ang pinto.? Tapos na nga ata siya.

Pumasok na ako sa kwarto ni Xan pero nabitiwan ko ang bag ko ng makita siya. Shete!!!! Pakiramdam ko ang init ng katawan ko dahil naka boxer lang siya.

Anak ng palaka naman oh! Bakit nakahubad siya!

"Hoy!!!!!!"

Tumalikod ako ng sumigaw si Xan dahil nakita niya ako na nasa pintuan. Grabe naman ohh.. iniinit ako.
Relax lang April.Isipin mo wala kang nakita. Pero teka nga bakit may abs ang baklang ito? Posible ba ang bagay na yun? Tsk! Tama na April.
Pinakiramdaman ko kung tapos na ba siya dahil ang tagal ko ng nakatayo dito noh.



"Manyak ka ba?" Napatalon ako sa gulat kasi paglingon ko nandoon na agad si Xan na nakawhite shirt at black short na talagang bagay n bagay sa kanya.

"Hindi ahh.Akala ko naman kasi tapos ka ng mabihis dahil bukas ang pinto."sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Talaga lang ah. O baka naman sinisilipan mo lang ako. Nakita mo na ang lahat sa akin."Ngayon umaakto siya na parang babae.Sarap sapakin nitong baklang ito!


Kumuha nalang ako ng damit at pumasok sa banyo niya baka kasi ako pa ang silipan ng taong ito. Hindi naman niya siguro gagawin yun.

After kong magbihis kinuha ko ang assignment namin sa isang subject na sobrang easy lang.Samantalang si Xan ayun nagbabasa ng BL. Uhmm naiingit naman ako kasi naman.. Hindi ko natapos yung comic na binasa ko.

Tiningnan tingnan ko si Xan habang inaayos ang assignment namin. E paano ba naman gusto ko din na magbasa. Di bale na nga lang.


**********

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Where stories live. Discover now