37

30.1K 578 73
                                    

37

Salamat sa mga comments! Para kay Caylime na in-love ata kay Claude Anton…wahahahahaha!

At para kay lipglossy....

*****************************

“Hala! May gusto ka sa akin ano, Antonio? Aminin na!” Pero ang kaba niya, hindi pa rin natatanggal. Ganito yung feeling niya dati ah, nung uber crush niya pa si Claude Anton nung high school siya.

“Kainin mo na nga lang yang durian.” Then he started opening the fruit.

“Ayaw sagutin eh. Alam mo, nakakatuwa ka, Antonio.” Ibinigay ni Claude Anton ang isang supot para ilagay niya sa kanyang kamay, para hindi na sila maghuhugas mamaya.

“Why?”

“Imagine, yung isang Claude Anton Hidalgo na tumutuloy ngayon sa Marco Polo Hotel, na may – ari ng kompanya, na guwapo, macho, certified bachelor, kumakain ng durian sa ganitong park.”

“So?”

“Wala. Yun lang. Selfie na lang tayo.” Inilabas nito ang cellphone at kumuha ng larawan nila. Inagaw niya rin ang cellphone ni Claude Anton at kumuha rin ng wacky picture. PAgkatapos ay ibinalik sa binata.

Sira ulo talaga itong Charly na to. First time rin naman niya sa lugar na ito. Siguro nung mga teenagers sila, napupunta sila kung saan-saan. Si JC kapag nakatakas sa mga mata ng tatay niya, walang problema kay Cyrus dati dahil ipinanganak itong gala.

“GRabe lang, ang sarap ng durian. Kaso ang baho ano? Ang amoy ng hininga ko, durian rin.”

“Hindi kita pwedeng halikan kapag amoy durian ka.” Bulong ni Claude Anton na umabot naman sa pandinig ni Charlotte.

“Ha? Ikaw ha, kanina ka pa hirit ng hirit sa akin, Antonio. Inaasar mo ba ako, ha?”

“Hindi kita inaasar.” Kinuha nito ang isang pang buto ng durian at ibinigay kay Charlotte.

“Weh? May gusto ka na sa akin? Ano? Tama ba?”

“Tama.” Seryoso nitong sabi sa kanya.

“Wahahahahaha! Hayop na joke yan, Antonio! Tawang-tawa ako.”

“Natatawa ka ba?” Seryoso pa rin nitong tanong sa kanya.

“Oo, as in! Tsk! Kung nung high school ka nag joke, malamang sa kinilig ako.” Itinapon nan i Claude Anton ang balat nang durian sa pinakamalapit na basurahan. Dahil nakasupot naman ang kamay nila ay hindi na nila kailangan pang maghugas.

“So hindi ka kinilig?” Umupo ito sa tabi niya. Nakaharap sila sa dagat.

“Hindi.”

“Ah, so your heart doesn’t beat faster?”

Crush BackWhere stories live. Discover now