12

36.8K 696 60
                                    

12

Iba yung plano ko rito, kaso iba rin yung natatype ko kasi, ewan ko na lang what will this story all about…basa-basa na lang kayo at comment-comment na rin.

*****************************

“So, kailan pa nagsimulang magtrabaho sa iyo si Charlotte?” Tanong ni Cyrus sa kanya.

“empleyado siya ni Papa, pero I hired her as my personal assistant.”

“Personal assistant? Bago iyon ah, akala ko ba may secretary ka na?” Naaliw siya sa ikinikilos ng kaibigan, nakaupo sila at tanaw nila ang grupo nina Charlotte, kanina pa sulyap ng sulyap si Claude Anton sa mga ito.

“I mean, personal analyst rin, may bago kasi akong project ngayon, gusto kong mag invest into a new business, alam naman natin na matalino si Charly, that’s why I hired her.”

“Ahhhhhhhhh. Okay.” Ngisi nito.

“Why are you looking at me like that? Ayoko ng tinatakbo ng isip mo, Cyrus.”

“Wala naman akong sinabi, pero ang ganda ni Charlotte ngayon. Ang sexy, may boyfriend na ba, pare?”

“Kaka break lang, masyado siyang nagpapaniwala sa pag-ibig na iyan, parang babaeng version mo. Gusto ng mag-asawa bago raw siya mawala sa kalendaryo.”

“Updated ka yata, pare!”

“G*go!” Alam niya ang ibig nitong sabihin. Nakita niyang papasok na si JC, ganda lang ng mga ngiti nito, halatang masaya sa buhay nito ngayon. Kung minsan ay naiinggit siya sa mga kaibigan. Si Cyrus, kahit na madalas silang hindi nagkakaunawaan ni Leila, alam niyang masaya ang kaibigan, higit na ganoon ang pakiramdam ni JC, pero siya, parang may kulang. Kailan kaya niya mararamdaman ang sinasabi nilang pag-ibig, napakaimposible naman yata. Pare-pareho lang naman ang nakikilala niyang mga babae.

“What’s up!” Sabi pa ni JC sa kanilang dalawa.

“Okay ah! Iba talaga ang nagagawa ng asawa at mga anak, may alam ng what’s up! Kumusta, pare? Ako okay lang, medyo may problema kami ni Leila pero alam mo naman yun, ang daling suyuin.”

“Dapat yata si Claude ang kumustahin natin. Anong bago sa iyo, Pare?”  Kinuha ni JC ang ibinigay ng bar tender na alak sa kanya,nangako siya kay Mavee na kakaunti lamang ang iinumin. Ayaw niyang mag-alala ang asawa.

“Ako naman ang nakita ninyong dalawa.”

“E ikaw pa lamang ang natitirang single sa ating tatlo.” Asar ni JC.

“Mukhang magkaka lovelife na siya, pare.” Natatawa si Cyrus sa naiisip.

“Really, at sino naman ang napakamalas na babaeng iyan?” Sakay ni JC kay Cyrus, alam niyang maloko ang isang ito.

Crush BackWhere stories live. Discover now