11

38K 662 14
                                    

isa pa sa hindi ko maintindihang update..

*****************

11

Papalabas na ng building si Charlotte, payday ngayon at nagkataon pang Sabado bukas, may additional pay rin siya para sa pagtatrabaho niya kay Claude Anton. Ang lapad ng mga ngiti niya, nai calculator na niya kanina ang kailangan niyang gastusin para kay Pikoy. Alam niyang pasok sa budget kaya bukas na bukas rin ay dadalhin niya ito sa kanyang paboritong machine shop, ipapa doctor niya si Pikoy, papalitan niya ng ipinangako niyang neon orange na pintura.

“Pikoy! Magbabagong bihis ka na bukas.” Kausap niya sa sasakyan habang sumampa rito. Pag ganito ang kinikita niya, siguradong makakapadala pa siya sa mga magulang niya, makakalipat siya sa mas maganda-gandang apartment, maayos naman ang tinitirhan niya ngayon. Sabagay, ipunin na lang kaya niya at ng balang araw, makabili siya ng sarili niyang unit.

Uuwi siyang maaga ngayon dahil gigimik silang magkakaibigan, kasama niya sina Imee at Charina, sasama na rin daw sina Johannes at Leomer, umoo na siya, tutal suweldo naman at paminsan-minsan, kailangan niya ring mag relaks. Magkikita na lamang sila sa isang bar.

Dahil isang siyang girl, at gusto niyang maging maganda, nagsuot siya ng isang seksing damit, kala lang ng Segundo na yun ha, kapag nagkita sila ngayon, sisiguraduhin niyang maiisip nitong talagang nagkamali siya ng pag-iwan sa kanya. Bigla siyang napatigil, si Segundo na naman ba? Nalungkot siya sa naisip, akala kasi talaga niya, ito na ang lalaking pakakasalan niya, akala niya si Segundo na ang kanyang magiging huling boyfriend, hindi pala. Pero kung sakaling magpapaliwanag ang binata sa kanya, bibigyan talaga niya ito ng isa pang pagkakataon.

Sabihin ng desperada na siyang mag-asawa, pero yun ang totoo, saka isa pa, okay naman si Segundo, guwapo, matangkad, matalino, mabango, may pera naman, siguro natukso lamang talaga ito ng babaeng yun, kasi dati naman ay okay sila.

Nagbihis na lamang siya, she will have fun tonight. Kung sakaling hindi talaga sila ni Segundo, malay mo at makita niya ngayon yung kanyang magiging future husband.  Napagdesisyunan na niyang maging open sa posibilidad na iyon.

Samantala, Cyrus invited Claude Anton to his bar. Inuman raw sila, mukhang nagkakaproblema na naman sila ng girlfriend nitong si Leila, hindi naman nito mayaya ni JC dahil nakadikit na naman ito sa asawa. Ito yung sinasabi niya sa mga kaibigan, yang pag-ibig na yan, walang mabuting maiddudulot sa kanila. Hindi ba at kasama niya ang dalawang kaibigan sa motto nila na “Love is a game, a game that they should play.” At laging sinasabi nilang tatlo na sila dapat ang nagmamanipula, sila ang laging nananalo, ano at may mga dialogue ng ganun si Cyrus, at si JC naman, kuntento na sa asawa nito at anak.

Papunta na siya nung maalala niya si Charly, napangiti siya, isa rin ito sa mga taong naniniwala sa pagmamahal na yan. Sabagay, high school pa lang yata sila ay romantic na ang dalaga, kaya siguro umabot sa ganoong edad na..virgin. Napailing siya, alam niyang isa iyon sa dahilan kaya iniiwan ito ng mga naging boyfriend, men by nature need sex, at kung hindi iyyon naibibigay ni Charly, malamang na maghahanap ang mga naging boyfriends nito. But he will never do what that jerk Segundo did to Charly, kahit naman papaano ay may paggalang siya sa mga babae. Sa mga nakarelasyon niya.

Nilibot niya ang mga mata sa paligid, mukhang okay ang bar ni Cyrus, marami-rami na rin ang mga parokyano nito, at madalas na naririnig niyang talagang dinarayo ito lalo na ng mga taong ang gusto ay mag relaks mula sa nakakapagod na trabaho. Lahat naman kasi silang magkakaibigan ay nalinya sa pagkain o kaya naman ay food processing ang business, siya lang itong gustong subukan ang ibang negosyo, kaya nga naisipan niya ang serbisyo ni Charly.

Crush BackWhere stories live. Discover now