7

40.2K 581 15
                                    

"Ano ang sabi ni Sir? Tatanggalin ka na ba raw niya?" Asar ni Charina sa kanya.

"Wala, magtatrabaho raw ako sa kanya kapag narito siya." Tinatamad na sagot niya.

"Talaga? Baka naman may gusto sa iyo si Sir Claude?" Si Imee.

"Malabong mangyari yun." Pang eepal ni Leomer.

"At bakit ha?"

"Kasi Charina, nakita kong mga babaeng kasama nun, puro modelo, ang gaganda, ang tatangkad, ang kikinis, ang puputi!"

"So hindi ako maganda? Hindi ako maputi at makinis? Height lang naman ang lamang nila sa akin."

"So, nag iilusyon ka na magugustuhan ka ni Sir?"

"Hindi, dahil hindi ko rin siya type." Sabay iwas ng tingin.

"At ikaw pa ang walang type sa kanya ha. Hiyang-hiya naman ako sa 'yo girl!" Natatawang sabi ni Imee sa kanya.

"May Serge na ako no, isa pa,sakit lang nang ulo ang Antonio na yan. Hindi kami magkakasundo pagdating sa love."

"Tigilan nyo na nga yan, magtrabaho na tayo. Isa pa, baligtarin mo man ang mundo Charlotte, hindi kayo bagay ni Sir. Boss siya, empleyado ka lang, sa fairy tales lamang nagyayari na nagkakatuluyan ang magkaibang mundo." Pang-aasar ni Johannes sa kanya.

Napikon si Charlotte dun, para sa kanya, pantay - pantay pagdating sa love, walang boss o empleyado. Lahat pupuwede.

"Una, Johannes, pagdating sa love, pantay-pantay tayo, walang mahirap at mayaman, tignan mo sina Princes Dianna

at Prince William.Ordinary girl lamang si Princess Dianna di ba? Saka, pag in-love ka, matatanggap mo ang lahat ng pagkatao ng mahal mo, ipaglalaban mo siya."

"Tsk! So maiin-love sa iyo si Sir Claude?"

"Hindi nga, kasi hindi ko naman siya gusto, pero kung sakaling magkakagustuhan kami, alam kong hindi hadlang ang estado namin sa buhay.Yun nga lang, hindi ko nga siya type." Sabay iwas ulit ng tingin.

"Ay baka magkapikunan na kayo ha, ikaw Johannes, aminin mo nang may gusto ka kay Charlotte." Sabay ngisi ni Leomer.

"At sino kaya sa atin ang may gusto Leomer, sabi mo nga, ang ganda ni Charlotte lalo kapag ngumingiti." Bawi ni Johannes.

"Wahahahaha! O e di inamin nyo ring maganda ako." Tapusin na nga natin ito at baka pupuntahan pa ako ni Pangga ko." Somehow ay umaasa pa rin siya. Anniversary nga nila di ba?

Pero walang Segundo Gregorio Dimabanaag, ni anino nito ay hindi nagpakita sa kanya. Ilang beses niya na rin itong tinawagan sa cell phone niya pero out of coverage area. Puntahan na lang kaya niya sa apartment nito. Anniversary nga di ba? Sumakay siya kay Pikoy, hindi pa naman late, tinignan niya ang relo, Alas siyete pa lamang ng gabi.

Walang ilaw sa apartment ni Serge nung dumating siya, walang senyales ba nandun ang binata sa apartment  tinanong na rin niya anv matandang dalagang nakausap dati, wala raw dun ang Pangga niya. Malungkot siyang sumakay kay Pikoy.

Malapit na siya sa apartment niya nung biglang huminto ang pick-up niya.

"Pikoy naman, you don't do this to me. Apat na kanto na lang oh, bahay na natin  Umandar ka na, wala ako sa mood na itulak ka, masakit ang heart ko." Parang sira sa kinakausap niya ang sarili.

Pero talagang walang senyales na aandar ang sasakyan niya. Wala siyang choice kundi bumaba at tignan ang makina. Bakit kasi ngayon pa. Tanong niya sa sarili.

"Mukhang kailangan mo na namang bisitahin ang talyer ni Mang Igme, Pikoy. Paano ba ito? Wala akong kasamang magtulak sa iyo."

Kokontact na lamang siya nang mag to-tow kay Pikoy papunta sa pinakamalapit na junk shop, este na machine shop. Biglang may huminto na sasakyan sa harap niya. Kung holdaper ito, talagang siya na ang pinakamalas na nilalang ngayon. Ano ba itong May 1 niya.

Crush BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon