43

27.9K 646 66
                                    

FB: Xianrandal (Search nyo na lang)

Twitter: @XianRandal

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s.

43

Inihatid na sila ng Mama niya sa kotse, hindi kasi pwedeng mag overnight, may trabaho pa sila na nag-aantay, hindi na nga sila pumasok ngayon araw, aabsent pa sila. Isa pa, kanina pa tawag ng tawag si Elizabeth kay Antonio, panay ang tanong kung ano na ang nangyayari, kung magbibihis na ba raw sila ng Papa niya para puntahan sila sa Bulacan at mamanhikan. Ang kulit ng mga magulang nila!

“Ingatan mo ang anak ko ha, Claude Anton. At sana sasagutin ka niya agad para naman pagbalik mo rito, kasama mo na ang mga magulang mo.”

“Salamat po. Mauuna na po kami, Mama. Asahan niyo pong aalagaan ko ang anak ninyo.”

Silence!

Akalain mong biglang natahimik silang pareho sa loob nang kotse habang pabalik ng Manila.

“Antonio.” Simula ni Charlotte.

“Why?”

“Yung totoo, naka shabu  ka ba?” Walang prenong tanong nito sa boss niya na since grade-two-crush-niya na manliligaw na niya ngayon na soon ay magiging sila pagkatapos ay magiging asawa niya! Whew! Ang haba ba ng description.

Tinignan siya ng masama ni Claude Anton.

“hep! Alalahanin mong manliligaw ka pa sa akin. Bawal ang mga ganyang tingin, mababasted ka.” Paalala niya

Akala mo naman kaya mo akong bastedin. Bulong ni Claude Anton, hindi ito naintindihan ni Charlotte, basta ang alam niya may binubulong ito.

“Hep! Bawal rin ang bubulong-bulong, baka mabasted ka.”

“Eh ano ba ang mga gusto mo sa isang lalaki at alam kong meron rin ako nun.”

“Aba! Ang kapal ng naman talaga!”

“Kaya nga naging crush mo ako, hindi ba? Tagal nga ng pagkakagusto mo sa akin eh.” Asar nito sa kanya.

“Sige, banggit pa more! Nakakainis ka. Dati yun no. D-A-T-I.” She spelled out.

“Okay, sinabi mo eh, dati. Teka, I’m just curious. Ano bang lumabas sa FLAMES? Hindi ba may meaning ang bawat titik nun?”

“E-enemy.” Mabilis na sagot niya.

“Are you sure?” Salubong ang kilay na tanong nito.

“Very very sure!”

Bigla nitong inihinto ang kotse. Naghanap ng ballpen at papel.

Crush BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon