CHAPTER 7

100K 2.2K 1K
                                    

CHAPTER 7

DUMATING si Kreg sa Villa Veronica eksaktong alas-syete ng gabi. Wala pa roon si Mae dahil wala naman siyang makitang babae na nakasuot ng kulay itim na below the knee dress.

Panay ang hugot niya ng malalim na hininga habang hinihintay ang dalaga. Excited na siyang makausap ito ng personal. He wanted to know everything about her. What’s happening to me? Napailing-iling nalang siya ng wala siyang maisagot sa sariling tanong.

Tumingin siya sa relong pambisig na suot. Alas-syete-e-medya na ng gabi pero wala pa rin si Mae. Nasaan na kaya siya? Baka na-traffic lang. Aniya sa sarili.

Abala siya sa pagtingin sa relong pambisig ng maramdaman niyang may lumapit sa table niya. Hindi siya nag-angat ng tingin sa isiping isa iyong fan na magpapa-autograph.

“Hi.”

Kreg stilled when he heard an angelic voice. He looked up and his mouth parted open.

A beautiful woman was standing in front of him. He was dazzled by her. She was smiling shyly at him and that smile sent havoc to his system. The woman had tantalizing eyes and he can’t seem to look away. Her lips look so soft and plum, the sight of it dried his throat.

Kreg wet his lips. “Pau…”

Her eyebrow knotted. “Kilala mo ako?”

He blinked enumerable times. “Yeah. You’re wearing a black below the knee dress.”

She smiled. “Oh.”

Tumayo siya at pinaghugot ito ng upuan “Please, have a sit.”

Napakahinhin ng galaw nito. Hindi maiwasan ni Kreg na magtanong sa sarili kung ganito rin ba ito kumilos kapag ibang tao na ang kaharap nito. Maybe, yes. Mae looks refined and feminine.

Bumalik siya sa upuan niya at matamang tinitigan ang dalaga. He never thought that Paula Mae possess such kind beauty. A beauty that can capture any man’s attention. Kaya naman hindi na siya nagtaka na karamihan sa lalalakihan na nasa Villa Veronica ay nakatingin sa dalaga.

“You look lovely.” Aniya habang matiim na nakatitig dito.

She smiled, showing her cute little white teeth. “You too.” Then she blushed. “I mean, guwapo ka sa commercials and all pero hindi ko akalain na mas guwapo ka pa pala sa personal. And then I never thought na ganito ka kabango. As in, ‘yong amoy mo, hanggang dito sa akin. And—” She abruptly stops talking and bit her lips. “S-sorry ang ingay ko.”

Kreg chuckled lightly. He’s amused by her. What I cute woman.

“It’s okay. Go on. Talk.” He urged her.

PAULA stared at Kreg’s liquid brown eyes. Hindi nabigyan hustisya ng telebisyon ang kaguwapuhan ni Kreg sa personal. Sa Telebisyon, ang guwapo nito. Yung klasi ng kaguwapuhan na titilian mo. Pero sa personal, aawang lang ang bibig mo sa sobrang guwapo nito. Talagang mai-starstruck ka sa kaguwapuhang taglay nito.

Para itong nililok ng pinakamagaling na skulptor sa buong mundo. His perfect. From his liquid brown eyes to his thin heart-shape lips.  Every angle of his face shouts gorgeousness and Paula can’t look away.

She was beguiled by him.

Mabuti nalang at nakaupo siya. Kung hindi, baka bumagsak na siya sa sahig. Naramdaman niyang nanghina ang tuhod niya ng makita niya itong ngumiti. Napaka-ganda rin ng mga mata ito. He has expressive eyes. Tulad ngayon, Paula can see admiration in his eyes while looking at her. Or, etchusera lang talaga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling for Zygy (Devil's Heart)Where stories live. Discover now