CHAPTER 3

50K 1.5K 47
                                    

CHAPTER 3

WHEN lunch came, nasa Yanzee Restaurant na si Paula. Pinagdarasal niya na sana sa pagkakataong ito, dumating na si Mr. Garcia. Ayaw niyang masayang ang pagpunta niya rito. At gusto niyang makita kung ano ang itsura nito. She’s curious.

Pagpasok niya sa Yanzee Restaurant, sinalubong kaagad siya ng maître d’.

“Hello, ma’am. Do you have a reservation?” Tanong nito sa kanya.

Napangiwi siya. Ay! Bahala na! Sana nga wala! “A reservation under Mr. Garcia.”

Ngumiti ang maître d’. “Oh. Are you Ms. Paula Mae Caparic?”

Umawang ang labi niya. “How did you know me?”

Nginitian lang siya ng maître d’. “Yes, Mr. Garcia has a reservation. Please, follow me.”

Sinundan niya ang maître d’ patungo sa table for two na nasa gilid ng restaurant. Medyo tago iyon. Umupo siya at binasa ang menu.

“I’ll send the waiter right away.” Wika ng maître d’.

“No.” Mabilis niyang pigil dito. “Send your waiter when Mr. Garcia arrives.”

“Okay.” Medyo nag aalangang sabi nito at iniwan siya.

She leaned on her sit and waits for Mr. Garcia to arrive. Panay ang tingin niya sa pintuan ng Restaurant. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang lalaki. Naiinis na huminga ng malalim si Paula at pinalipas pa ang ilang minuto. I’ll wait ‘till twelve noon. Kapag walang dumating na Mr. Garcia, aalis na ako. Bahala siya sa buhay niya!

Halos thirty minutes na siyang naghihintay ng biglang may umupo sa kaharap niyang upuan. Napatingin siya rito at tumaas ang kilay niya sa nakita.

The man in front of her is wearing a mask. Parang yung mask ng mga Doctor sa Hospital. Kumunot ang nuo niya at mataman niya itong tinitigan. The man is on his late twenties. Nakatungo ito kaya hindi niya makita ang buong mukha nito. His hair was a shaggy jet black. Parang wala itong suklay sa bahay. His hair was kind of messy.

“Mr. Garcia?” Paninigurado niya kung ito nga ang kaharap niya.

He looked up, his eyes stared at her and her mouth parted open. God! Tumigil ang pag-inog ng mundo niya ng matitigan ang mga mata nito. What a beautiful eyes! Parang nangungusap ang berde nitong mga mata habang matiim na nakatingin siya. He looks familiar but the eyes, sigurado siyang hindi pa niya nakikita ito. Dahil kung nakita na niya ang lalaki, sigurado siyang tatatak ang mata nito sa utak niya. He had an unforgettable eye.

“Yes, it’s me.” His eyes crinkled. “And sorry about the mask. I’m kinda sick. Ayokong mahawa ka.”

Napalunok siya ng marinig ang boses nito. Napaka-baritono ng boses nito at parang nang-aakit. Napatitig siya sa mga mata nito at hindi niya maialis ang mga mata niya rito.

“Pao? Pao? Pao? Earth to Pao.” He snaps his finger in front of her face.

Napaigtad siya at napakurap-kurap. “Ha?”

He chuckled and Paula nearly melted. “May mask na ako niyan. Ano pa kaya kapag nakita mo na ang buong mukha ko.”

Napakunot ang nuo niya dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. “Ano?”

He chuckled again. “Nothing. So, how are you?”

Nakatitig siya rito kapagkuwan ay nagkaroon din siya ng lakas na mag-iwas ng tingin. “I’m fine, thank you for asking.”

His eye brow shot up. “Where’s your spunk? Nawala yata. Sa cell phone ka lang ba matapang?”

Ibinalik niya ang tingin sa lalaki at iniwasan niyang tumingin sa mga mata nito. “Mr. Garcia, we’re on a lunch meeting. Bawal akong magalit sa’yo.”

Falling for Zygy (Devil's Heart)Where stories live. Discover now