Chapter 33: I'll court you!

Começar do início
                                    

"Libre mo?" Pang asar ni Jeff.

"Bibili lang kami. Sa inyong pera." Sabi ni Niel dahilan para magtawanan ulit kami.

Napatingin ako Zach na nasa isang gilid habang seryosong nag ce-cellphone. Nabaling din ang tingin ko kay Sandy na seryoso pa rin ang mukha habang nag ce-cellphone rin. Magkatext kaya sila? Joke.

"Kayo na ang bahala. Alam niyo naman yung madalas naming binibili eh." Sabi ni Jeff sabay abot ng pera.

"Oh, dyan niyo na rin kunin yung sa inyo." Dagdag pa ni Jeff.

"Yown! Ayos!" Masayang sabi ni Niel.

"Yan! Dyan ka magaling." Sabi ni Jeff. Napailing na lang ako.

"Eh yung sayo ba, Zils. Anong gusto mong ulam?" Tanong sa akin ni Niel.

"Adobo." Napatingin ako kay Jeff nang sagutin niya yung tanong sa akin ni Niel.

"Naks! Alam na alam ah." Pang aasar ni Niel kay Jeff.

Napangisi na lang si Jeff at napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya nang muli siyang tumingin sakin.

"Ikaw ba, Sandy?" Tanong naman ni Kiel kay Sandy pero hindi sumasagot si Sandy dahil nakafocus pa rin siya sa phone niya. Napansin ko naman na hindi gumagalaw ang kamay niya habang nagcecellphone. Nakatitig lang siya doon.

"Uy! Sandy!" Tawag ulit ni Kiel sa pangalan ni Sandy.

Parang nagulantang naman si Sandy ng kibuin siya ni Kiel.

"H-Ha?"

"Ba't parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Kiel kay Sandy.

"H-Hindi ah. Can't you see? Nagcecellphone ako." Pangangatwiran ni Sandy.

Nang mapansin ni Sandy na nakatingin kami sa kaniya ay halatang huminga siya ng malalim.

"Anong tinitingin tingin niyo?" Mataray na tanong ni Sandy. Kahit kailan talaga ang taray ng babaeng ito.

"Kanina pa po kasi kami nag iintay ng sagot mo po." Sarkastikong sabi ni Niel dahilan para taasan siya ng kilay ni Sandy.

"Ehehe! Ano bang gusto mong ulam?, bibili na kasi kami ni Kiel." Pilit na ngiting tanong ni Niel.

"Bicol express." Walang ganang sagot ni Sandy.

"Ah sige. Tara n-"

"Uhm wait! I changed my mind. Sisig na lang pala." Pagbabago ng isip ni Sandy.

"Ha? But why?" Takang tanong ni Kiel.

"It's none of your business. Just buy it." Mataray na sabi muli ni Sandy.

"Okay!" Kiel shrugged with sigh.

Nang makaalis na si Kiel at Niel para bumili ng pagkain ay napatingin kami kay Zach nang bigla siyang tumayo.

"My dad." Sabi ni Zach sabay taas ng phone niya, napatango na lang kami.

Maya maya ay bumalik siya para magpaalam dahil kailangan na daw niyang umalis.

***
Sandy's POV

Kung ano ano na ang kinukutingting ko dito sa phone ko para lang mawala ang inip ko. Ang tagal naman kasi nina Kiel, gutom na ako.

Umalis na nga rin pala kanina si Zach dahil may pupuntahan daw siya. Naka alis na rin si Doc. Rey kani kanina lang. Ayos naman na daw si Amira. Ofcourse, malakas yung babaeng yun eh. Si Amira pa ba?

Umalis na rin yung ibang nurse. Nagpaalam na rin si Ate Nika dahil may kailangan pa daw siyang puntahan.

So heto, kami na lang yung naiwan.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Onde histórias criam vida. Descubra agora