Tumingin pa siya sakin habang nakangiti sabay kindat. At saka inumpisahang paandarin yung kotse.

Napailing na lang ako sa inaasta ng lalaking ito. Baliw talaga. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko na nakangiti.

Shemay! Ba't ako nakangiti?

"You smiling. Kinikilig ka ba?"

Pinigilan ko yung ngiti ko, at patagong huminga ng malalim. Anong klaseng tanong yun?

"Huh? Who's smiling?" Maang maangan kong tanong.

"Sus! I saw it. Kinikilig ka noh?" Pang aasar niya.

"Tss. Why would I?"

"Oh come on, Amira. Your blushing."

"No! I'm not. Mainit lang talaga," sabi ko at binuksan yung bintana ng sasakyan.

"Amira, there's an aircon. So no need to open that."

Tsk. Oo nga pala. What's wrong with me. It's your fault Kevin.

"I-full mo yung aircon." Utos ko sa kaniya pagkasara ko ng bintana.

"Look! Full naman talaga ah."

"Pfft... HAHAHAHA what's wrong with you, Amira? HAHAHA.. are you okay?" Tanong ni Kevin habang tumatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumawa pa siya lalo. Itinigil niya yung sasakyan niya sa tabi at pinagpatuloy ang pagtawa at may paghampas pa ng kamay sa manibela.

Hinayaan ko siyang tumawa ng tumawa. Mabulunan ka sana.

"Ano? Okay ka na?" Sarkastikong tanong ko at mali atang tinanong ko pa siya. Dahil hindi pa pala siya tapos tumawa.

"AHAHAHA.. Amira.. nakakatawa ka.. ano ba kasing nangyayari sayo?.. HAHAHAHA.. ganiyan ba talaga ang epekto sayo kapag kinikilig ka? HAHAHA."

"Tatawanan mo lang ba talaga ako? O magdedate tayo?" Tanong ko dahilan para tumigil siya sa katatawa.

"What did you say?" Tanong niya.

"Sabi ko bumalik na lang tayo ng University kung tatawanan mo lang pala ako."

"No. That's not what you said earlier."

"That's what I said."

"I heard the word 'date'. So, you mean, you wanna date with me huh?" Sabi niya with matching taas baba pa ng kilay.

"Baliw."

"Sayo," sabi niya at saka sinimulang paandarin ulit yung sasakyan. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nakakainis.

Haay! I just sigh. *iling iling*

Maya maya ay natanaw ko ang isang Mall.

Ipinark ni Kevin yung sasakyan sa parking lot.

"Let's go," masayang sabi niya. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Tinanggap ko ang kamay niya na nakaabang sa akin.

Nang maisara niya yung pinto ng kotse ay nagsimula na kaming maglakad papasok ng Mall.

"Where do want to go? Are you hungry?" Tanong niya.

"Your treat?"

"Ofcourse. Where do you want to eat?"

"Jollibee."

"Jollibee? McDo na lang."

Tamo ito. May patanong tanong pa kung saan ko gustong kumain tapos nung sinabi kong sa Jollibee, sa McDo na lang daw. Yung totoo.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now