Nanigas ako ng marinig ko ang isang napakalamig na boses. Humarap ako sa kaniya. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung lalaking sinusundan ko. Haay! Pano na yan?.
"Are you following me?"- cold niyang sabi. Medyo nakatungo siya. Hindi ko rin maaninag ang mukha niya dahil madilim sa pwesto niya, at medyo malayo siya sakin, isa pa ay nakahood siya.
"Yes"- matapang kong sagot
Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya.
"And why?"- tanong niya
"Because it's my choice"- sabi ko
"Why are you following me?"- ulit niyang tanong. Wala pa rin akong makitang emosyon sa kaniya
"I answered it already"- sabi ko
"Why are you following me?"- ulit niya uling tanong, kasabay nun ang unti unting paglalakad niya papalapit sa direkson ko. Gusto kong ihakbang ang paa ko paatras pero hindi ko ginawa dahil baka isipin niya na natatakot ako sa kaniya. Pero siguro kung ibang tao ang nasa sitwasyon ko, tatakbo na agad sila. Sobrang nakakakaba kasi ang bawat galaw ng taong ito. Hindi ko siya kilala pero parang familiar ang hubog ng kaniyang katawan. Hindi ko siya pinagnanasaan ha, sadyang napansin ko lang.
"Who are you?"- tanong ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Ilang dipa na lang ang space namin sa isa't isa.
Pero isang ngisi lang ang isinagot niya.
"Ano? Ngingisian mo lang ako?"- sarkastikong sabi ko
"Guess who," sabi niya
"Hindi ako manghuhula"- sabi ko
Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng hangin sa balat ko. Tinatangay na rin nito ang buhok ko, kaya medyo gulo na rin ito. Nayakap ko na lang ang sarili ko ng maramdaman ko ang lamig.
"You may go now"- cold niyang sabi
"Are you commanding me?"- sarkastikong tanong ko
"Yes"- matigas niyang sabi
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya.
"Well, I won't"- matigas ko namang sabi
"Don't you know how risk has go on at this time?"- seryosong tanong niya
"Who cares?"- sabi ko
Napatingin kami parehas sa isang direksyon kung saan may narinig kaming pagsigaw. Sigaw ng taong nasasaktan o pinahihirapan?, basta, may kakaiba sa sigaw na yun. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"Leave"- cold niyang sabi pero hindi ko binigyang pansin yung sinabi niya
"Who's that?"- tanong ko
"Leave now"- matigas niyang sabi
"Why? Just answer my question"- seryosong sabi ko
"Just do what I said"- seryosong sabi naman niya
Patigasan ba talaga kami dito?. Ba't ba hindi niya na lang sagutin yung mga tanong ko. Sobrang curious na ako ha.
Maya maya ay nagulat na lang ako ng biglang higitin niya ako papunta sa likod ng isang puno kung saan madilim.
"What are you do-.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ng kamay niya ang bibig ko
"Shut up"- seryosong sabi niya. Wala na akong nagawa kundi tumahimik. Tinanggal niya na rin yung kamay niya na nakataklob sa bibig ko nang mapansin niya na tahimik na ako. Sino ba naman ang hindi tatahimik diba?.
![](https://img.wattpad.com/cover/143983348-288-k468454.jpg)
YOU ARE READING
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Teen FictionJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any trouble. And now, she want to live with a normal life. Without fighting with others, without a mess. She wanna be a normal teen now. But how i...
Chapter 30 : Tape
Start from the beginning