💓 Chapter 9 💓

510 48 0
                                    

Joyce's POV

3 years later..

Ang bilis ng panahon noh?

3 years na agad ang nakakalipas. At sa loob ng 3 years na yun ay naging maayos naman ang buhay namin, kasama ang anak ko.

Lumipat kami ng bahay malayo kina Jerry. Kung saan tahimik, kung saan hindi niya kami makikita.

Sa loob ng tatlong taon hindi ko naman naramdaman na nag iisa ako, dahil ipinaramdam nina Papa na nandyan lang sila para sa'kin.

"Wala ka ba talagang balak sabihin kay Jerry ang totoo?" tanong ni Papa habang nagtitimpla ako ng kape.

Si Papa naman oh. Magang maga gusto atang pasamain ang loob ko.

"Pa naman eh, napag usapan na natin 'to diba?" sabi ko.

Ibinaling ko ang ulo ko sa direksyon kung saan nandoon ang anak ko na mahimbing na natutulog.

"Tahimik na po ang buhay natin, masaya na po ako kasama ang anak ko, kasama kayo," dagdag ko pa.

"Malaki na ang anak mo, anak. Pero rerespetuhin ko ang desisyon mo. Kung anong sa tingin mo ang tama, kung saan ka magiging kumportable, doon ako." sabi ni Papa.

Tatlong taon na ang anak ko. At sobrang saya ko simula nang dumating siya sa buhay ko. Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin ni Jerry. Dahil sa kaniya nagkaroon ako ng anghel sa buhay ko.

Siguro hanggang doon na lang talaga kami ni Jerry. Siguro magkaiba talaga ang landas namin. Siguro kailangan ko na lang talagang tanggapin yun. Na hanggang doon na lang kami. 😂

Masaya na naman ako eh kahit wala siya. At alam ko masaya na rin siya sa piling ng iba.

...

Nandito ako ngayon sa grocery. Bumibili ako ng mga kakailanganin namin. Gatas ni baby, pagkain namin at kung ano ano pa.

Nang matapos kong bilihin lahat ng bibilihin ko ay nagbayad na ako sa counter. Pagkatapos kong magbayad ay nagsimula na akong naglakad papalabas ng grocery.

Nang makalabas ako ng grocery ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Ayts. Kapag siniswerte ka nga naman. Buti na lang talaga at may dala akong payong.

Hindi na ako mag hihintay na tumila pa ang ulan dahil baka hanapin na ako ng anak ko, kaya nagsimula na akong maglakad dala ang mga pinamili ko pati syempre yung payong.

"Joyce!" dahil sa gulat ko ay naihulog ko ang payong na dala ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na biglang nagsalita mula sa gilid ko. Nabasa na tuloy yung paper bag na dala ko kung saan nakalagay yung mga ipinamili ko.

Iniangat ko ang ulo ko. At hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko.

"J-Jerry," tanging nasambit ko.

"Bakit hindi mo sakin sinabi?" tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Alam ko na. Alam ko na, na nagkaanak pala tayo. Sinabi sakin ni kuya Jin nung nagkakita kami." Napalunok ako sa sinabi niya. So, alam na niya?

"Bakit ko pa sasabihin sayo? Eh may pamilya ka na naman diba? Pinili mo nga si Athena diba?" Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko mula sa mga mata ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid yun.

"Mahal kita Joyce! Noon pa," sabi niya dahilan para matawa ako. Ang mga linyang 'yan, nabanggit ko na sa kaniya 'yan noon. Pero ano ang sabi niya sa'kin? "Mahal kita, Joyce pero bilang kaibigan lang." Oh diba? Ang sakit.

"Tss, ano ka ba Jerry? Joke na naman ba yan?" natatawa kong sabi dahil heto na naman siya, magsasabi ng mga bagay na seseryosohin ko, pero biro lang naman pala sa kaniya.

"Hindi Joyce, totoo. Mahal talaga kita noon pa. Hindi ko lang talaga yun matanggap sa sarili ko, kasi bestfriend kita eh. Ayokong masira yung friendship natin. Ayokong mawalan ng bestfriend. Ayokong mawala ka. Pero hindi ko alam sa sarili ko at sinabi ko sayo na nagkabalikan na kami ni Athena para lang pagselosin ka."

"Hinanap kita, Joyce. Hinanap kita. Sa loob ng tatlong taon hinanap kita. At ngayong nahanap na kita, hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa ulit tayo. Mahal kita, Joyce. Mahal kita!" Halatang sincere ang pagkakasabi niya. At kita ko ang pamumula ng mga mata niya dahil sa mga luhang namumuo dito.

Hindi ko alam pero yumakap na lang ako sa kaniya. Bumuhos ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako. Umiiyak ako hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Ba't ka umiiyak?" tanong niya.

"Ikaw kasi eh." sisi ko sa kaniya sabay palo sa dibdib niya.

"I'm sorry! Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sayo na mahal kita. Natakot kasi ako eh. Natakot akong dumating ang araw na tuluyang masira yung friendship natin. Na mawala yung kaisa-isang bestfriend ko. Pero hindi ko inaasahan na tuluyan palang mawawala yung bestfriend ko. At nung nawala ka, dun ko narealize na hindi lang pala bestfriend yung nawala sa'kin, pati pala yung taong mahal ko. Kaya sorry, sorry sa lahat. Sorry talaga," sabi niya at niyakap ulit ako kaya lalong mas naiyak lang ako. Pati siya umiiyak na rin.

_

11-06-18 now edited.

Thank you for the votes and comments!

I Accidentally Inlove With My Bestfriend | Completed |Where stories live. Discover now