💓 Chapter 8 💓

484 49 0
                                    

Joyce's POV

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung gabing yun. Nung gabing ibinigay ko ang sarili ko kay Jerry.

At simula nung gabing yun ay hindi na talaga ako nagparamdam sa kaniya.

Pinalaya ko na si Jerry. Pinalaya ko na ang taong mahal ko. Hinayaan ko na siyang maging masaya nang hindi ako kasama, dahil alam kong mas sasaya siya sa piling ni Athena. Ayokong itali siya sa isang bagay na maaring ikasakal niya. Ayoko rin namang ipagsisikan yung sarili ko sa taong may mahal namang iba.

Masakit pero kailangan.
Masakit pero kailangan kong paninindigan.

Maayos na rin naman ang buhay ko ngayon, kahit wala siya.

_

Mula sa kwarto ko ay mabilis akong tumakbo palabas at bumaba ng hagdan diretso sa lababo.

Ilang araw na akong ganito. Parang feeling ko lagi akong nasusuka. Madalas din na nakakaramdam ako ng pagkahilo.

"Oh Anak, napapaano ka? Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" sunod sunod na tanong ni Papa. Halata sa boses niya ang pag aalala.

"Ah.. wala po Pa. Sadyang masama lang po ang pakiramdam ko."

"Ilang araw ka nang ganyan ah. Ba't di ka magpatingin?"

"Ayos lang po ako Pa! Baka sadyang dala lang po 'to ng sobrang kabisihan ko sa trabaho."

"Sigurado ka ba? Gusto mo samahan na kitang magpacheck up? Ngayon na pati," sabi ni Papa. Nung una ayoko pa kasi sabi ko nga wala lang naman 'to. Tsaka ayoko nang mag alala pa si Papa.

Pero pinilit pa ako ng pinilit ni Papa na magpacheck-up. Halatang sobrang nag aalala siya sa akin, baka daw kasi kung ano na ito. Kaya napilitan na rin ako. Si Papa naman pinapakaba ako.

.
.
.

"Kamusta po ang kalagayan ng anak ko, Doc?" tanong ni Papa ng makabalik na sa upuan si Doc.

Nakaupo kami sa upuan kung saan nag iintay kaming sabihin ni Doc kung anong kalagayan ko, kung may sakit ba ako o ano.

"Congratulations po! Magiging Lolo na po kayo," masayang sabi ni Doc dahilan para manlaki ang mga mata ko pati na rin ni Papa. Nakaramdam ako ng kaba sa dahil narinig ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Doc?" tanong ulit ni Papa para makasigurado sa kanyang narinig.

"Buntis ho ang anak niyo, two weeks na ho," sabi ulit ni Doc.

Hindi ako makatingin kay Papa dahil sobrang dilim ng tingin niya sakin. Umalis na kami nang malaman namin ang resulta.

Habang nasa biyahe kami ni Papa ay wala akong narinig mula sa kaniya. Katahimikan ang namamagitan sa'kin. Hindi ko rin alam ang sasabihin.

Hindi ko lubos maisip na sa isang beses na ginawa namin yun ni Jerry ay mabubuntis agad ako. Ngayon palang naiiyak na ako, pero syempre pinipigilan ko. Inihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga sasabihin ni Papa mamaya pagdating sa bahay. Alam kong papagalitan ako ni Papa dahil ngayon palang nakikita ko na sa mukha niya ang galit at pagkadismaya sa akin.
.
.
.

Nang makarating kami ni Papa sa bahay ay agad siyang nagsalita.

"Anong ibig sabihin nun Joyce? Buntis ka? Sino ang ama ha? Kailangan niyang panagutan yan?" galit na sabi ni Papa.

"Sorry po Pa!" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Sino ang ama ng batang yan ha?" tanong ulit ni Papa.

"Si Jerry po," sabi ko sabay pahid ng luhang patuloy na pumapatak sa pisngi ko gamit ang kamay ko.

"Ano? Si Jerry?.. Bakit? Paanong nangyari yun?"-naguguluhang tanong ni Papa.

"Sorry po Pa! Nadala lang naman po ako ng nararamdaman ko nung nangyari yun eh. Hindi ko naman po alam na mabubuntis agad ako." sabi ko habang patuloy umiiyak.

"Nasaan si Jerry? Kailangan niyang panagutan yan," sabi ni Papa at palabas na sana siya ng pinto nang pigilan ko siya.

"'Wag na po Pa. Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong buhayin itong nasa sinapupunan ko kahit wala siya."

"Ano? Gusto mo bang walang kilalaning ama yang batang yan? Nahihibang ka na ba?"

"Masaya na po si Jerry Pa. Masaya na po siya kasama si Athena. May pamilya na po yung tao, ayokong sirain pa yun."

"Pero kailangan niyang malaman na may anak siya sayo."

"'Wag na po Pa, hindi na po niya kailangan malaman pa. Tahimik na po ang buhay namin."

Iyak lang ako ng iyak habang pinipigilan ko si Papa na 'wag nang ipaalam pa kay Jerry na buntis ako at siya ang ama.

Huminga ng malalim si Papa at saka nagsalita.

"Kung yan ang desisyon mo anak, sige rerespetuhin ko yun. Basta palagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mga kuya mo. Palalakihin natin ang batang yan ng maayos," sabi ni Papa dahilan para mas maiyak pa ako. May halong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil patuloy akong sinusuportahan ni Papa. At malungkot para sa anak ko dahil ipagkakait ko sa kaniya na magkakilanlan sila ng ama niya.

"Salamat po Pa!" sabi ko sabay lapit sa kaniya at niyakap siya.

Sobrang saya ko dahil nandito si Papa. Hinding hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sino. Hinding hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko.

_

11-06-18 now edited.

Votes and comments are very much appreciated! Thank you!

I Accidentally Inlove With My Bestfriend | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon