💓 Chapter 4 💓

481 56 17
                                    

Joyce's POV

"What?" Nagulat ako sa halos pasigaw at may pagkairita niyang sabi.

Pero hindi naman rinig ng ibang tao dahil malakas ang music.

Mukhang nagulat rin naman siya sa ginawa niya kaya umiwas na lang siya ng tingin sakin. Hindi ko na siya tinanong ulit dahil baka tuluyang mainis siya.

Galit ba siya? sa akin? bakit naman? Haaay!


***
Kinabukasan.

Uminat inat ako bago bumangon.

Ilang araw na rin ang nakakaraan simula nung prom.

Naaalala ko tuloy yung nangyari noon.

Natapos na't lahat ang prom, pero hindi talaga umimik noon si Jerry.

Hanggang sa umuwi na kami, hindi parin niya ako kinakausap.

At ngayon? Hindi parin siya pumapasok.

Ilang araw na siyang absent ah.

Kaya nang matapos ang discussion ay nagmadali na akong lumabas.

4pm na.

Napagdesisyunan kong pumunta ngayon sa bahay nina Jerry. Baka napapaano na yun. Sana naman ayos lang siya.


Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad na kumatok na ako sa pinto.

"Oh Joyce, napadalaw ka?" Bungad na tanong sa akin ni Tita Rene. Tita ni Jerry.

"Hello po Tita! Si Jerry po kaya? Bakit po hindi siya pumasok?" Tanong ko.

"Ah nasa taas, masama daw ang pakiramdam."

"Ewan ko nga dun sa batang yun, simula nung umuwi galing prom eh naging ganyan na. Parang walang gana. Sabi ko baka kako hindi niya naisayaw yung taong gusto niya." Sabi ni Tita.

"Ah puntahan ko lang po siya." Sabi ko at tumango naman si Tita.

Umakyat na ako sa hagdan at nagtungo sa tapat ng pinto ni Jerry.

Limang beses akong kumatok bago pa ako pagbuksan ni Jerry ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.

"Ba't di ka pumasok?" Balik kong tanong sa kaniya.

"May sakit ako." Sagot niya.

Hinipo ko yung noo at leeg niya.

"Mukhang wala ka namang sakit eh, hindi ka naman mainit."

"May sakit nga ako. Ano bang ginagawa mo dito?" Medyo may pagkairita na tanong niya.

"Galit ka ba sakin? May problema ba?" Diretsa kong tanong.

"Hindi. Wala."

"May problema ka eh"

"Wala nga."

"Yung totoo Jerry. Kaibigan mo ako, alam kong may problema ba't di mo sabihin? Bestfriend tayo diba?"

"Ano magsalita ka. Ayos naman tayo nung prom ah tapos bigla ka na lang nanahimik tapos hindi mo ako papansinin, tapos hindi ka pa pumapasok. Ano ba talagang problema Jerry?" Naguguluhang tanong ko.

"Nagselos ako. Nagselos ako nung isinayaw ka ni Rico. Tapos ang saya nyo pa, tawa kayo tawa. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo." Sabi ni Jerry na siyang ikinatahimik ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam.

_

11-03-18 now edited

Thank you for voting! Godbless!

I Accidentally Inlove With My Bestfriend | Completed |Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα