💓 Chapter 1 💓

760 70 28
                                    

Joyce's POV

Simula nung araw na ipinagtanggol ako ni Jerry kina Mirco at Liam ay naging close na kami. Naging madalas na ang oras na kami ay magkasama. Kaya puro tuksohan at pang aasar ang naririnig namin mula sa mga classmates namin. Pero wala namang epekto yun sa aming dalawa ni Jerry dahil friends lang talaga kami.

Habang tumatagal mas nagiging close pa kami ni Jerry. Masaya naman siyang kasama. Sabay nga kaming nag rerecess at naglulunch. Minsan nga nagdidinner pa siya sa amin eh. Sabay din kaming umuuwi sa hapon.

Naging karamay na namin ni Jerry ang isa't isa. 'Bestfriends' yun kami.

At ngayon? Ramdam ko ang pighati at sakit na dinaramdam niya. At nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

Ang kaisa isang tao na kakampi niya sa lahat, wala na. Ang taong naging karamay niya, ang taong nagpasaya sa kaniya, ang taong nagluwal sa kaniya. Wala na. Wala na ang mama. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong mahalaga sayo kaya naiintindihan ko siya.

"Ba't ganon? Bakit kailangang mangyari to?"

Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. Pero malamang ay ako dahil kami lang naman ang magkatabi dito.

"Alam mo Joyce?, siya lang yung taong nadyan palagi para sa akin. Pero ngayong wala na siya, feeling ko mag isa na lang ako!" Halata sa tono ng boses niya ang lungkot at pighati. Ngayon ko lang nakita si Jerry na magkaganito. Hindi ko lubos akalain na makikita ko siya sa ganitong kalagayan, yung walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya. Sobrang nasasaktan siya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala yung sakit na dinadala niya, kasi sobrang laking sugat nito para saka niya. Pero isa lang ang alam ko, na kailangan niya ng karamay, kailangan niya ng kaibigan, kailangan niya ako. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay i-comfort siya.

"Sshhh.. Hindi ka nag iisa Jerry. Nandito lang ako, nandito yung bestfriend mo, hindi kita iiwan." Mahinahong sabi ko habang hinihimas yung likod niya. Gusto kong mabawasan yung sakit na nararamdaman niya. Pero ito lang ang tanging magagawa ko. Ang maging bestfriend niya lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Salamat Joyce! Salamat dahil nandito ka para pagaanin ang loob ko. Salamat!" Paulit ulit niyang pagpapasalamat saka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko habang hinihimas ko naman yung buhok niya.

Alam kong hindi maiiwasang maramdaman ni Jerry na nag iisa siya. Dahil simula una palang yung mama na niya ang palaging kasama niya. Dahil iniwan na siya ng papa niya. Kaya simula ngayon hindi ko hahayaan na maramdaman niya ang pagiging mag isa.

.
.

*fastforward*
.
.

"Oy! Joyce, ikaw ha. Sino yung Jerry, nangliligaw yun sayo noh?" Pang asar na tanong ni kuya Jin sa akin.

"Baka naman boyfriend mo na yun." Sabi naman ni kuya Jeron.

"Magkaibigan lang kami ni Jerry noh, tsaka imposibleng magkagusto yun sakin, at mas lalo naman ako" Sabi ko.
Nandito kami sa hapagkainan, kumakain.

"Sus! Bakit naman?" Tanong nila.

"Syempre, hindi namin sisirain yung friendship namin noh. Ang bait bait nung tao eh" Sabi ko.

Pero patuloy parin sila sa pang aasar sakin. Haay naku! Bakit ba kasi sila pa yung naging kuya ko, palagi na lang akong pinagtutulungang asarin.

"Oh tama na yan, kumain na lang kayo." Pag awat ni Papa kaya tumigil na yung dalawa. Pero halata namang nagpipigil pa sila ng tawa.

_

09/ 29 / 18 - now edited

Press the star button as a support! Thank you!

I Accidentally Inlove With My Bestfriend | Completed |Where stories live. Discover now