💓 Prologue 💓

1.5K 69 38
                                    


Sa buhay, mahirap makipagsapalaran nang walang paninindigan.

At sa buhay paninindigan na lang talaga ang kailangan mong panghawakan.

Minsan may mga bagay na hindi mo inaakala na mangyayari pala yun sayo.

At minsan, madalas, kailangan mong maniwala at magtiwala sa sarili mo na kaya mo.

Hi! Ako nga pala si Joyce. 3rd year high school. Hindi ako katulad ng ibang mga babae d'yan na kung makapag ayos at makapag make-up, wagas.

Madalas pumapasok ako sa school ng nakasumbrero. Hindi ako maayos sa sarili katulad ng pag aayos ng isang tunay na babae. Hindi ako katulad ng ibang babae na nakikita niyo dyan na nakatirintas pa ang mga buhok o kaya naka headband, hindi rin ako naglilipstick. In short may pagkaboyish ako.

Puro mga lalaki kasi ang kasama ko sa bahay. Si papa at tsaka yung dalawang kong kuya.

Bata pa lang kasi ako iniwan na kami ni mama. Sumama siya sa bago niyang pamilya, pinagpalit niya kami dun.

Nung iniwan kami ni mama alam kong sobrang sakit nun para kay papa, pero hindi niya yun pinapahalata sa amin. Ginawa niya kaming inspirasyon para mas maging matatag siya.

For me, siya ang the best papa ever.

"Kamusta naman ang pag aaral mo, Jin?"

Tanong ni papa kay kuya Jin. Panganay siya sa aming tatlong magkakapatid. Pangalawa si kuya Jeron, then ako na yung bunso. Unika ija ako.

Nandito kami ngayon sa hapag kainan at masayang kumakain. Ito ang pinaka paborito kong oras, ang magkasabay sabay kaming kumaing pamilya tapos magkakamustahan.

"Baka naman pinapabayaan mo na ang pag aaral mo, tandaan mo ikaw ang panganay kaya dapat ayusin mo. Baka mamaya nagloloko ka na, ay naku ka!" Dagdag pa ni papa. Pero mahinahon lang naman ang pagkakasabi niya.

"Ako pa ba? Baka nakakalimutan niyo ako ang pinaka matalino dito. Cum laude nga ako." Mayabang na sabi naman ni kuya habang tatawa tawa.

"Naku! Nagyabang na nga." Sabi naman ni kuya Jeron at nagtawanan sila.

"Ikaw Jeron? Baka nag gigirlfriend ka na ha." Baling naman ni papa kay kuya Jeron.

"Naku! Sa gwapo kong ito Pa, madami talagang babaeng naghahabol sakin, binabusted ko lang." Mayabang na sabi naman ni kuya Jeron dahilan para magtawanan ulit sila.

"Talaga lang ha. Pero mas gwapo pa rin talaga ako sayo eh" Sabi naman ni kuya Jin at nagtawanan nanaman sila.

Samantalang ako tahimik lang na kumakain.

"Eh ang nag iisang unika ija ko? Kamusta naman ang pag aaral?" Iniangat ko ang ulo ko at tumingin kay Papa sabay ngiti.

"Ayos lang naman po, Pa" Sabi ko.

"Ay naku! Nakikita ko yan si Joyce Pa ang dami laging kasamang lalaki." Pang aasar ni kuya Jin sakin.

"May boyfriend na yan si Joyce." Kantyaw naman ni kuya Jeron kaya sinamaan ko sila ng tingin. Pero tinawanan lang nila ako.

"Wala akong boyfriend noh. Pagtatadyakan ko pa sila sa mukha eh." Sabi ko at nagtawanan lang ulit sila.

"Sus! Di pa aminin." Pang aasar pa nila kuya.

"Wala nga sabi, ang kulit neto." Inis kong sabi.

"Oh tama na yan, mamaya mag away pa kayo. Basta Joyce wag muna magboboyfriend. Unahin muna ang pag aaral." Sabi ni papa sa akin.

"Pero kapag may nangliligaw papuntahin mo dito sa bahay, para naman makilala namin." Pang aasar ni Papa

"Papa!" pag angal ko sabay simangot pero tinawanan lang nila ako.

Hay naku! Lagi na lang akong pinagtutulungan ng mga ito. Pero syempre mahal na mahal ko parin sila. Wala na akong mahihiling pang iba, kundi ang makasama sila.

Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Maaga pa ang gising ko bukas, maaga ang pasok eh.

Kaya nang makapagpahindag na ako ay nahiga na ako, hanggang sa kinain na ako ng antok.

***
Kinabukasan.

"Uy! si Joyce oh!" Rinig kong sabi ni Mirco habang naglalakad ako dito sa campus. Papunta na ako sa classroom.

Kasama niya si Liam. Palagi na lang nila akong inaasar, hindi na nagsawa.

"Ang ganda ng sumbrero mo ah, lalaking lalaki ang dating." Pang aasar naman sakin ni Liam sabay tawa.

"Uy! wag mo ngang ganyanin si Joyce, mamaya suntukin ka niyan eh." Sabi naman ni Mirco dahilan para magtawanan sila.

"Inaano ko ba kayo? Pwede ba tigilan niyo na ako? Hindi ko naman pinapakeelam ang mga buhay ninyo, pag hindi niyo pa ako tinigilan baka masaktan lang kayo." May pagbabanta kong sabi sa pag aakalang titigilan na nila ako ngunit nagkamali pala ako.

"Aba! Ang yabang mo ah!" Sabi ni Liam.

"Ba't di mo pa kasi aminin Joyce na tomboy ka talaga?" Pang aasar na tanong ni Mirco.

"Oo nga pare, mas gwapo ka pa nga samin eh." Sabi naman ni Liam sabay akbay sa akin kaya siniko ko siya dahilan para magtawanan ulit sila.

"Bahala nga kayo dyan." Sabi ko saka ako nagsimulang naglakad pero nakasunod parin sila at todo parin sa pang aasar sa akin.

"Oh sige! Ganito na lang Joyce. Kung hindi ka talaga tomboy halikan mo nga ako." Sabi ni Mirco at tumawa naman si Liam. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Patunayan mong babae ka." Dagdag pa niya

"Tama na yan!" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Oh! May knight in shining armor pala itong si Joyce eh." Sabi ni Mirco at nagsitawanan pa silang dalawa ni Liam.

"Tigilan niyo na nga si Joyce, wala naman kayong mapapala sa pang aasar niyo eh." Sabi ni Jerry.

"Sus!" Rinig kong usal ni Mirco pero umalis na rin naman silang dalawa ni Liam.

"Salamat!" Pagpapasalamat ko kay Jerry. Oo, Kilala ko siya mag classmate kami eh.

_____ _ __ _

08/ 29 / 18 - Published

09/ 29 / 18 - now edited

Thank you for reading and voting!

BraveJoan01 at your service!

I Accidentally Inlove With My Bestfriend | Completed |Where stories live. Discover now