*


Huminga ako nang malalim bago magsalita. Kailangan kong gawin 'to, kahit magmukha pa kong shunga.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni baby boy tsaka nagsalita, "He-hello!" Napatingin naman sila sa akin. Nasa harapan ako ng isang grupong lalaki na may mga kaakbayan na babae. Punong puno ng beer, pagkain at sigarilyo ang mesa nila.

Pare-pareho silang nakakunot ang noo sa akin. 

"Speak! Mommy!" Siya lang talaga nagpapalakas ng loob ko para gawin 'to. Para sakanya rin naman 'yon.

"Nakikita niyo ba siya?" Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat ni baby boy.

May napa-kunot lalo ang noo, may nanlaki ang mata at may umiling.

"Are you drunk, Miss?"

Another guy smirked and said, "Mukhang may tama na nga 'yan mga dre."

"Miss, tara, akong bahala sa'yo?"

Kumaway kaway ako bilang pagtanggi. "Ay, hindi, hindi. S-sige, okay lang ako. Bye." Kailangan ko nang dalian, sobrang dami ng lalaki dito. Mas mahihirapan ako kapag dumami pa sila lalo.

"Wait, miss!" Lumingon ako sa nagsalita.

A-ang gwapo!

"B-bakit?" Kumukurap kurap pa ko.

"I'm Darryl!" Medyo pasigaw na sabi niya dahil sa lakas ng music. "Anong pangalan mo?" Nilahad pa niya ang kamay niya para siguro makipag handshake sa akin.

"S-sorry. But I need to go.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, narinig ko ang mga kantyaw sa kanya ng mga kasama niya kanina sa table. Kesyo, ang hina raw niya, ano raw nangyari at kung ano pa. 


Akala siguro non porket ganito itsura ko magpapa-uto na ako sakanya?



*


Nakaka-ilang tables na kami, pero ni-isang lalaki walang nakakita kay baby boy.

Napatigil ako sa paglalakad nang hilahin niya ang kamay ko kaya napalingon ako sakanya.

"Mommy, nawi-wiwi ako." Nakahawak na siya sa pantog niya at nakangiwi ang mukha.

Hinatid ko siya sa tapat ng restroom ng kalalakihan atsaka tinuro ang table na susunod kong pagtatanungan para doon niya ako pupuntahan kapag tapos na siya. Hindi naman din kalayuan dito sa restrooms. 

Papunta na sana ako sa table nang may humatak sa akin at bahagyang sumayaw. Hinila ako sa dance floor ng lalaking 'to. "What---"

Tinignan niya ko, at nagtama ang mga mata namin. "Just for a minute, dance with me. Pagseselosin ko lang ang fiancée ko."

"P-pero---"

"Please?" Natigil ako dahil sa mga mata niya, parang nakita ko na noon. Hindi ko kasi maaninag nang buo ang mukha niya dahil madilim. 

Pero bakit sa dinami-rami ng mga babae dito, ako pa nahatak nito? Hindi niya ba nakikita itsura ko? Ay kung sabagay, madilim nga pala. Pero hello? Mukha bang pagseselosan ako ng girlfriend ng kahit sinong lalaki dito? 


Hindi, Anry. Hindi.


I sighed. Just go with the flow na nga lang muna. Hindi rin ako sanay sumayaw, so talagang nakatayo lang ako sa harapan niya. 


"Fuck! Bakit walang epekto?!" Reklamo niya.

"E nasaan ba ang fiancée mo?"

"Ayon." Bahagya niyang tinaas ang hintuturo niya, sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo niya. Babaeng nakaupo habang may ka-kwentuhan na lalaki, nagtatawanan pa sila. Nanlaki ang mga mata ko tsaka ako napa-wow. Napaka ganda niya! Nakakulot ang mahabang buhok at nakasuot ng Red dress na hapit na hapit sa katawan niya.


Para siyang model. Sobrang elegante at sopistikadang tignan. Ngayon ko lang ata na-feel na sobrang alikabok lang ako sa mundo.  


"Akala ko ba fiancée mo s'ya? E ba't may kasama siyang ibang lalaki?" Parehas kaming nakatingin sa fiancée niya nang magulat ako dahil pinatong niya ang isa kong kamay sa balikat n'ya, at lalong kinagulantang ng buong sangkatauhan ko nang humawak siya sa beywang ko. 


Wala pa kasing gumagawa sa akin ng ganito.


Nawala lang ang tingin ko sa mga kamay niya nang magsalita siya. "That guy is her bestfriend. We had a little fight earlier and now she's using her bestfriend to get revenge on me."

"Ay sus! Para pala kayong mga bata 'no? So, gumaganti ka?"

Tumango siya. "But not even working."

"Mommy, I was looking----" Lilingon na sana ako kay baby boy dahil alam kong boses niya 'yon. Pero bigla kong naramdaman ang pagtulak ng lalaking 'to sa batok ko papalapit sakanya naging resulta para magtama ang mga labi namin.


Nalulunod ako. Nalulunod ako sa lalim ng mga halik niya.


Sa gulat ko naitulak ko siya nang malakas pero dahil nakakapit ang isa niyang kamay sa beywang ko, natumba kami parehas. Nakapatong ako sakanya.


Nakita kong pinagtitinginan na kami ng tao. Nakayuko akong gumapang paalis sa pagkakapatong sakanya.


"Shit!" Kaagad akong tumayo at kinuha ang kamay ni baby boy. "Tara na"


Maglalakad na sana ako palabas ng bar nang nakita kong tumayo na rin ang lalaki at hawakan ako nang mahigpit sa braso. "Bakit may bata dito?! Kasama mo?!" Tanong niya.


"Ah.. Eh.." Anong gagawin kong paluso---



Pero, teka?! 




"Na-nakikita mo siya?!" 


__________________________________________________

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Onde histórias criam vida. Descubra agora