"Can we go there?" inosenteng tanong niya.

"No, we can't."

Sumimangot siya, "Why not?"

"Kids are not allowed to go inside the bar and I'm not into places like that. Masyadong crowded."

"But I wanna go there!" Pag-angal niya. Kinuyakoy niya pa ng malakas ang mga paa niya.

"No." Hinigpitan ko nalang ang hawak sakanya baka kasi mahulog, sinusundan niya ng tingin ang bar na dinadaanan na namin. 

"Let's go inside!"

"I said no." matigas kong sabi. Konti nalang at malalagpasan na namin ang bar, titigilan na rin siguro ako ng batang 'to sa pangungulit.

"Mommy wait! Stop!"

Huminto ako, "'Di ba sabi ko, hindi tayo papasok doo---"

"Look!" Tinaas n'ya yung locket para makita ko.

Mahina 'yung ilaw.

"Move backward, mommy!"

Ginawa ko naman.

Umiilaw!!

Hinawakan n'ya ko sa pisngi at pinatingin sa harap ng bar, "We shoud go in!"

"Pero, di ka papapasukin ng mga guard doon."

Umiling siya. "Remember the instruction?"

Tumango ako.

"So---"

"Ah!" I snapped my fingers. "Oo, 'di ka nila makikita kasi malamang mga lalaki 'yon!" Pagputol ko sakanya.


Paano kung isa pala sa mga bouncer pala ang destiny mo, Anry? Bulilyaso ang plano niyo.


Umiling-iling nalang ako sa naisip ko. "Let's go"


*


Huminga ako nang malalim. Sabi ko kay baby boy humawak lang siya sa duluhan ng damit ko para di siya mawala. Natatakot ako sa mga bouncers. Straight face lang kasi silang dalawa, ang lalaki at muscular ang katawan nila. Naka all black at may kalat na balbas! Para silang kambal! Parehas silang mukhang wrestlers!

"Sandali." Nanlaki ang mga mata ko at nabato sa kinatatayuan ko.

Lumingon ako kay kuya bouncer number 1. "B-bakit p-po?"

Nakita n'ya ba si baby boy? Siya na ba si future daddy?

"Bawal minor dito, neng."

26 years old? Minorde edad?

"N-nagkakamali p-po kayo. 26 n-na po ako. F-first time ko lang kasi sa ga-ganitong lugar."

Hindi na talaga ako papapasukin ng mga bouncers kung hindi lang ako nagpakita ng I.D. Buti nalang din may dala akong bag ngayon. 

Pagpasok ko, napahawak ako sa dibdib ko, inaalalayan ko ang puso ko baka kasi mahulog sa lakas ng tunog sa loob. 

Nanlibot ko ang mga mata ko sa buong club. May mga nagsasayaw, umiinom, naglalandian, nagke-kwentuhan at kung ano pa. Nilingon ko si baby boy. Tinanggal ko ang kamay niya sa damit ko at hinawakan ito.

"Ayos ka lang? Sa akin ka nalang tumingin, okay?" tumango lang siya kahit na feeling ko hindi naman niya ako narinig talaga.


Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Where stories live. Discover now