2: Nessie

823 57 13
                                    

Teka, correction.

May isang tao pala na nakakaalam na nagsusulat ako sa Wattpad.

"Venny, magsulat ka na ng sequel para sa My Love From The Past! Please!"

"Ayoko nga, Nessie! Tinatamad ako!"

Lalong humigpit ang kapit ni Nessie Vargas sa aking braso habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Naupo kami sa isang table, si Nessie ay nakaharap sa akin.

"Pag may sequel, libre kita ng milk tea, promise!" Nakangiting alok ni Nessie.

"Ikaw na lang magsulat ng fan fic, I'm giving you permission," nakangiti kong sagot.

"Pag sinulat mo yung sequel, partner tayo sa thesis next sem!"

Ito talaga, sinusulsulan pa ako.

"Bumili ka na lang ng fries!" Natawa ako at inabot kay Nessie ang aking pambayad. "Sour cream, large."

"Okie." Kinuha ni Nessie ang aking pera at naglakad na siya sa malapit na French Fries stand. Bumalik siya na may hawak na dalawang carton ng fries at inabot niya sa akin ang sour cream flavor.

"Ayaw mo na talaga ng sequel?" Kinulit ulit ako ng aking BFF.

"Hmm, tinatamad na ako mag-isip ng isusulat," kibit-balikat ko. "Uy, nakita ko yung sinulat mo last year. Yung Magic Diary. Ituloy mo kaya iyon?"

Last year pa nalaman ni Nessie na may Wattpad account ako. Aksidente niya akong nakita na nagbabasa habang naghihintay ng prof sa klase. Since then, kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa aking mga stories, at doon siya nagkaroon ng interes na mag-sign up sa Wattpad.

Now we follow each other at nagkukwentuhan tungkol sa mga stories. She goes by the name of EissenV.

"Naku, katuwaan lang iyong Magic Diary na iyon!" Malawak ang ngiti ni Nessie. "Ewan ko kung tatapusin ko pa."

"Tapusin mo, friend," pag-engganyo ko. "Naka-tatlong chapters ka na. Mukhang may potential pa naman story mo."

I mean it when I said that.

"Sige, tignan ko, thanks pala for the encouragement. Huwag ka lang mag-expect masyado ah."

Seeing Nessie's smile on her face made me feel good about encouraging her to write.

Una kaming nagkakilala noong Freshmen Day orientation dito sa university. Nagkataon na magkatabi kami sa auditorium, at imbes na makinig sa speaker, ay nagdaldalan na lang kami.

Since then, tinuring ko na siya na BFF.

And I'm glad na she's with me during our college life.

---

Two days later, on a Friday night, nag-log in ako sa Wattpad at nakita ang sunod-sunod na notifications galing sa account ni Nessie.

Two days later, on a Friday night, nag-log in ako sa Wattpad at nakita ang sunod-sunod na notifications galing sa account ni Nessie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EissenV updated Magic Diary: Chapter 4

EissenV updated Magic Diary: Chapter 5

EissenV updated Magic Diary: Chapter 6

"Whoa, ginawa niya ito sa isang upuan!" Bulong ko sa sarili. Nagsimula na akong basahin ang mga bagong chapters.

Ang "Magic Diary" pala ay tungkol kay Pinky, isang outcast na high school student na nabigyan ng isang diary nang may tinulungan siya na matandang babae. Sabi ng matandang babae, engkantada raw siya. Inabutan lang siya nito ng notebook at sinabi sa bidang si Pinky na tutulungan siya ng notebook na matupad ang lahat ng kanyang kahilingan.

Nagsimula nang magsulat si Pinky sa nasabing diary:

Dear Magic Diary,

Sana maging mayaman na ako at makaalis sa poder ng aking malupit na tita at mga pinsan. Teka, di ko alam kung paano mo ito gagawin, just get me out of here!

Needing help ASAP,

PINKY

Sa Chapter 4, nakulong ang kanyang Tita dahil sa kasong estafa, kasama na rin ang dalawa niyang pinsan na babae. Nalaman din ni Pinky na pinamanahan siya ng kanyang yumaong lola ng isang mansyon at malaking halaga ng pera sa bangko.

Sa Chapter 5, hiniling ni Pinky na maging maganda. Biglang dumating ang kanyang best friend na si Tricia at inaya siya ng make over sa salon, dahil nanalo si Tricia ng gift certificate para sa make over session with a friend.

Sa Chapter 6 naman, pinagkakaguluhan na si Pinky sa school. Pumasok ito nang nakasakay ng kotse at di na siya mukhang manang.

Dear Magic Diary,

OMG effective ka! Mayaman na nga ako at maganda pa. Sana next time, pansinin na ako ni Paolo, yung crush ko na Class President namin!

Love, Pinky

Cute ang story ni Nessie, kahit cliché na ang plot ng diary. Napapangiti naman ako nito.

Nag-iwan ako ng comment:

"Cute naman nito! Update soon, BFF!"

A/N: Nessie's portrayer on the banner image.

The Green-Eyed WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon