Chapter Fifty Two

Bắt đầu từ đầu
                                    

"No more further question, your honor" pagtatapos ng aroganteng dikya.

"Does the defense like to cross examine the evidence?" Tanong ni hukom, ang cute cute ng judge na 'to. Bilog na bilog ang mukha pero dahil narin sa katandaan parang lumalaylay na ang pisngi nito, ang cute lang. May oras ka pa talaga dyan, Camilla?

"Yes, your honor" sagot ni daddy saka tumayo, go dad!!

"Good morning, Ms. Joana" bati ni dad sa babae.

"Good morning attorney" sagot ni nanay sabay nagpacute, aba naman lagot ka kay Luisa.

"Kayo po ba mismo ang nagproseso para makuha ang results sa sinasabing evidence?" Unang tanong ni Celestino.

"Yes po, attorney" sagot ni babae.

"At kaninong finger print ang nakita mo dun?" Pangalawang tanong ni dad na siyang kinaikot ng pwet ng attorney sa kabilang kampo.

"Objection your honor, she already answer that" sigaw ni attorney.

"Your honor, I believe we can educate our colleagues here that it is part on cross examination to ask things twice, thrice at kung ilang beses ko pang gustong ulit ulitin ang tanong"

Umiling lang ang hukom. "Overrule" sagot ng judge. "Pakisagot ang defense prosecutor"

Lumingon naman si dad sa mga kupal na lawyers ng kabilang kampo and gave them his famous smirk, napangiti ako sa ginawa niya. Kanino pa ba ako magmamana? Eh di kay-- kanino? K-kay mommy huh? Sorry dad, baka multuhin ako ni mommy. ✌

"Yes, your honor" sagot niya sa judge. "Kay Kylie Aquino po attorney" magalang na sagot nito kay daddy.

"And during that process wala kayong ibang nakitang finger prints?" Muling tanong ni Celestino.

Mukhang napaisip ang babae. "M-meron po, attorney"

"At kilala mo ba kung sino nag-mamayari sa nasabing ibang finger prints?" Tanong ni dad.

"Hindi po, attorney" nahihiyang sagot nito. Huh! Game over.

"No more further questions, your honor" nakangiting bumalik si dad sa area namin, lumingon naman sa 'kin si Clay, she's smiling, I smiled back.

Kasalukuyang nag-aantay kami sa sasabihin ng hukom, minsan gusto kong pumunta sa tabi niya para tignan kung ano ang sinusulat nito o kung talaga bang nagsusulat ito o nagdadrawing.

"Proceed to you next evidence" judge ordered the prosecutor.

"Exhibit B. The drug test result of the accused" sabi nito sabay angat ulit saka pinakita sa hukom.

Ganon parin ang proseso, nagtawag muli sila from the medical team to verify that the exam really took on the said date and if it really was from Kylie.

"No more further question, your honor" pagtatapos nito.

"Does the defense would like to cross examine?" Tanong sa kampo namin. "No, your honor" sagot ni dad na siyang ikinangiti ng lawyer nila.

Kitang kita ko rin ang mayabang na pag-ngiti ng hayop na si Mark, kung ako ang masusunod hinding hindi ko na ipapasakamay sa hukuman ang hustisya. Ako mismo ang kukuha ng hustisya para kay Clay, umiinit na naman ang dugo ko sa damulag na 'to.

Tango tango lang ang judge habang nagsusulat. "You may proceed" utos nito kay attorney takong.

"Exhibit C. Results of the autopsy, may we call on the stand Dr. Romeo Chavez" panimula muli ng prosecutor.

Gaya parin kanina, kinuha ang impormasyon nito. Vinerify din sa kanya na yung kutsilyo sa exhibit A ang siyang ginamit base sa laki ng sugat ng natamo ng biktima.

abCNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ