Chapter Twenty Four

3.9K 118 3
                                    

Clay's POV


Nagising ako sa lamig ng kwarto, kusot mata kong tinignan ang paligid.

Nagkalat ang mga gamit namin sa floor, ang gulo ng kama at nakahubad si Camilla on the other side of the bed.

I smiled. Kaya pala malamig, pareho kaming nakahubad.

Tinignan ko ang orasan, it's 15minutes to 10am. Tumayo na ako at nagtungo sa CR, hayaan ko na muna matulog si Camilla.

Alam kong napagod siya kagabi, nung humingi kasi ako ng isa pang round twice siyang nilabasan.

May konting kirot akong nararamdaman ngayon sa bandang baba, hindi dahil sa unang beses nangyari sa 'kin yun kundi matagal tagal narin nung huli kong naranasan yun.

Bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko ng maalala ang nangyari dati.

Toktoktok!

Napalingon ako sa direksyon ng tunog.

"Love" tawag ni Camilla na halatang antok pa sa boses niya.

Tinungo ko ang pintuan para buksan saka sumilip sa kanya.

Nakatayo sa labas ang hubad na Camilla, pikit ang mata na may magulong buhok.

Napangiti ako sa itsura niya. "Mio, tulog ka pa. Gisingin kita mamaya pagkatapos ko" sabi ko dito.

Minulat niya mga mata niya saka ngumuso sa 'kin. "Kiss ko"

"Lapit ka dito, hindi ako makalabas." Natatawang sabi ko.

"Eh bakit? Nakita ko na lahat yan no" mayabang na sabi nito.

"Alam ko, kaso basang basa na 'ko" pagpapaliwanag ko.

Sumilay naman ang pilyang ngiti sa labi nito, napakunot noo naman ako.

"Talaga, love?" Tanong niya saka lumapit sa 'kin. "Basang basa ka na?" Dugtong niya.

Wag mo akong simulan, Camilla. Baka ikaw ang umatras. "Hindi yun ang ibig kong sabihin" pagsusungit ko dito.

She giggled, she gave me a sweet peck on the lips. "Ayaw mong sumaba---"

Bago niya pa ituloy ang sasabihin niya, sinaraduhan ko na ito ng pintuan. "Bastos kang bata ka ah!" Bulyaw niya sa labas sabay hampas sa pintuan.

Natatawa akong bumalik sa shower stand, napakahalay mo Camilla.



Lumabas na ako ng banyo, kita ko si Camilla na nakaupo sa kama. Magkasalubong ang kilay at hawak hawak ang telepono ko, nagbabasa na naman 'to ng kung ano-ano.

"Mio, ligo ka na" tawag ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, tanging mata niya lang ang gumalaw para tignan ako saka bumalik ang tingin sa telepono ko.

Lumapit ako dito. "Mio, ano bang ginagawa mo dyan sa phone ko?"

"Bakit? Bawal na ba hawakan, Clay? May tinatago ka?" Beast mode siya ngayon.

Umiling ako. "Nagtatanong lang po, Ma'am" saka lumayo para magbihis.

Nakabihis na ako ng maramdaman ko ang hubad na katawan ni Camilla sa likod ko, nakayakap siya sa 'kin. Masarap sa pakiramdam na dama ko ang pagmamahal niya sa 'kin, paborito ko rin sa lahat ang pagyakap niya sa 'kin. She made me feel secure, inaalis niya yung worries and fears ko.

Humarap ako dito. "Hindi ka na ba galit sa 'kin?" Tanong ko dito.

She sighed. "Hindi naman ako sayo nagagalit, galit ako dun sa mga taong nagpapapansin sayo"

abCWhere stories live. Discover now