Chapter Forty Three

2.9K 99 23
                                    

Camilla's POV

"Ano na, Camy?" Hannah on the other line.

She's asking me to come home before she delivers her baby, yes magiging mommy na si Hannah Montano. After 2years, natuto rin lumangoy ang mga bata ni Richard.

I don't know if I'm ready to face them, for 3years si Hannah lang ang tanging tao sa pinas na kinakausap ko. I shut everybody down, lumayo ako at nagmistulang patay sa ibang tao. Alam kong naintindihan ako ni dad, ganon pa man hindi ko maiwasan makaramdam ng hiya after years of MIA.

"Kailangan bang andun ako, Hannah? Di naman ako iire para sayo" I answered.

She sighed. "Okay, don't come home then." She said as she dropped the call.

Tangina, ang taray neto. Buntis teh!

I dialed her phone number.

"Sagutin mo, Hannah!" I hissed.

Kainis, pwede naman niya kasi ako pilitin pa.

Pabebe mo kasi.

I dialed her number once more.

"Hello" walang ganang sagot ni Hannah.

"Oo na, uuwi na ako." Hindi ko din naman kayang tiisin 'tong kaibigan ko, she's been there nung mga oras na pakiramdam ko ang lungkot ng mundo.

Dinamay ang mundo, masaya sila ikaw lang malungkot.

-.-

"I know you can't resist me" panuksong sabi ni Hannah. "So kailan ka uuwi?" Habol niya.

"I'll asked, Kiara." Sagot ko dito.

"What? Since when siya nag-didecide para sayo?" Sa tono ng boses niya, alam kong nakataas ang isang kilay nito.

Natatawa ako kay Hannah, I don't know why ayaw niya kay Kiara. Ni minsan hindi niya hinarap si Kiara sa twing nagvivideocall kami, actually ganon din siya kay Sam at Aly. Hindi naman naging kami ni Aly, kay Clay lang magaan loob ni Hannah.

"I just said, I'll asked her." Natatawang sagot ko. "You still have two weeks before lumabas si baby diba?"

"So kailan ka uuwi?" Muli niyang tanong.

"Next week, Hannah. Uuwi kami next week" sagot ko na ikinatahimik ng isa. "Hannah? Still there?"

"Uhm, yeah." Tipid niyang sagot.

"Natahimik ka--"

"May naisip lang, sige I'll see you next week." Putol nito sakin.

"Are you sure?" I asked.

"Yup!" Agad nitong sagot.

Sa 'kin ka pa ba magsisinungaling, Hannah? Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?

"Okay, I'll see you soon." I said as I drop the call.

Tama ba din na isama ko si Kiara sa pinas? I want to be polite din and ask her if she wants to come, she's my friend after all but judging on Hannah's behavior mukhang battle field ang uuwian ko.

"Ay palaka!" Sambit ko ng pabalang binagsak ni Kiara ang main door ng unit namin. "Problema mo, bakla?" Tanong ko.

"Eh kasi nakasabayan ko na naman yung babaeng mataray sa elevator" nakabusangot na kwento nito habang nilalabas ang mga pinamili nitong pagkain.

She is refering to that blonde girl named Jessy, I usually teased her sa twing nakakasalubong niya yun. Sabi ko, maybe they were destined for each other. Pero bakit ganon? Bakit nakaramdam ako ng takot ngayon? Bakit parang pakiramdam ko mawawala 'tong asungot na 'to sa 'kin?

abCNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ