Chapter Nineteen

4.7K 137 2
                                    

Clay's POV

Kanina pa kami nag-iikot ni Camilla, napapamangha naman ako sa laki ng EK. Parang ang sarap manirahan dito, inikot ko paningin ko sa buong lugar. Halos lahat ng tao nakangiti, parang walang problemang dinadala. May ilan namang mangiyak ngiyak, dala siguro ng takot sa mga rides.

Maalala ko yung unang sakay namin, pansin kong kinakabahan siya. Basang basa ang kamay niya nung hawak ko ito, nakakatuwa namang isipin na sasamahan niya parin ako kahit natatakot siya. Pinisil pisil ko kamay niya para kahit papaano madivert ang utak niya, pansin ko may mga taong tinitignan kamay namin.

Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi tanggap ang kagaya namin, ano bang mali sa ginagawa namin? Nagmamahalan lang naman kami diba? Pero bakit kung bigyan nila kami ng tingin na para kaming may nakakadiring sakit?

Natigilan ako sa pag-dadrama ko ng nasilayan ko ang papalapit na nakangising si Camilla, may dala-dala siyang dalawang hotdog on a stick.

Ang ganda niya, para parin akong nasa isang mahaba at magandang panaginip. Hindi ako makapaniwalang ang isang katulad niya, papatol sa isang tulad ko. Probinsyana at may magulong buhay.

"Love, let's eat" masayang sabi niya.

Ngumiti naman ako, saka tinanggap ang hotdog.

"Love?" Tawag niya sa 'kin. "Hmm?" Sagot ko habang ngumunguya ng hotdog.

"Nasa probinsya ba buong family mo?"

Napaubo naman ako sa tanong niya. "Love! Inumin mo 'to" sabay abot sa 'kin ang bote ng tubig.

Kinuha ko naman ito, saka ininom.

Hindi pa 'ko handang ipakilala buong pagkatao ko sa kanya, hindi ko rin alam kung handa na ba talaga siyang makilala ako. "Okay ka na, love?" Tanong niya sa 'kin habang dinadaan daan niya ang palad niya sa likod ko.

"O-okay na" sagot ko, saka ngumiti.

"Hmm. Yung tanong ko, love"

Nakikita ko sa mga mata niya ang determinasyong makilala ako, naiintindihan ko din kung bakit. Girlfriend niya ako, may karapatan siyang malaman.

Pero natatakot ako, Camilla.

Yumuko ako. "Y-yung ate ko na lang ang nasa probinsya"

Hinawakan niya baba ko para iangat, nagtama ang mga mata namin. "Saan ang magulang mo, Clay?" Halatang seryoso siya sa boses niya.

"W-wala na" saka umiwas ng tingin sa kanya. "P-patay na sila" sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Bigla naman akong nanghina ng naramdaman ko ang yakap ni Camilla, mahigpit niya akong niyayakap. Kung nakakapagsalita lang ang mga yakap nito, sinasabi nito sa 'kin. Andito ako, hindi ka nag-iisa.

"I'm so sorry, love" garalgal na sabi niya.

Umiiyak ba siya? "No, naintindihan ko naman kung bakit mo tinanong" saka niyakap siya pabalik.

Umiling ito. "I'm sorry that you have to go through that, I'm sorry I wasn't there when that happened. Alam ko kung gaano kasakit yun, I've lost my mom too"

Natulala ako sa sinabi niya, she's apologizing for not being with me during those devastating occurrences. You really are something else, Camilla. I feel sorry for your lost too, Mio.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, hinayaan ko na lang ang yakap ko ang magsasalita para sa 'kin. Lumuwag ang pagkayakap niya saka tumingin sa mata ko. "Bago lang ba? Bago lang ba sila nawala? Kaya ba punong puno ng lungkot ang mga mata mo?"

abCWhere stories live. Discover now