Chapter Forty Eight

3.4K 92 0
                                    

Clay's POV


"Ouch" I whined as I tried to get up from the bed where I laid. I scanned the place, everything seems to be familiar though the whole place looks blurry. "Paano ako nakauwi?" bulong ko sa sarili ko habang himas-himas ang sintido ko.

Muntikan pa 'ko mapatalon sa kinauupuan kong kama ng biglang nagsalita si Camilla. "hinatid ka nung taxi driver" sagot niya. Napaarko naman ang isang kilay ko habang pilit inaalala yung taxi driver na sinasabi ng babaeng nakasandal sa pintuan ng banyo niya.

Namilog ang mga mata ko ng marealize kong I was actually inside her (I wish) bedroom. "A-ah pa-pa" focus Clay!!

"Paano ka nakarating sa kwarto ko?" Putol niya sa 'kin habang papalapit sa kama.

Pakiramdam ko nagslo-mo ang lahat except sa tibok ng puso ko. God you're so beautiful, kahit sinong nilalang mabibighani sa ganda mo. The way you move your lips, the way your eyes are talking, you always smell so good and that soft skin--

''Claaaaay" she cupped my face habang tinatawag ang pangalan ko, ang lambot ng mga kamay mo Mio. I smiled, na bigla namang nawala ng makita kong nakangiti sa 'kin si Camilla. "Okay ka lang ba, love?'' Tanong niya na may halong nakaka-gagong ngiti.

I rolled my eyes as a way of my defense habang inaalis ang mga kamay nito. "So, paano nga? Paano ako napunta sa room mo?" I asked.

"Obviously you weren't listening" sa boses niya, alam ko she was annoyed by my question. ''Masakit ba ulo mo?" She asked as she sit beside me and hugged me.

Paano mo ba nagagawa 'to, Camilla? I should be mad at you right now. "Tigilan mo nga ako, makita pa tayo ng girlfriend mo." I uttered habang sinusubukan makawala sa mga bisig niya. Sinusubukan ba talaga?

She didn't answer me instead mas lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit. "Ano ba?" I protest. 'Di ko naman talaga gustong kumawala, hell I could stay in her arms all day without you hearing me complaining about it. Eh bakit ka nag-iinarte?

Pride.

Pride is all I have right now, pati ba naman yun mawawala din sa 'kin?

"Naalala mo ba sinabi mo sa akin kagabi?" She asked almost as if she is whispering.

Yes. It's funny, my confession to you is all I could remember.

"Hindi no?" She answered her own question, the F. I took a deep breath, before I even let it out she started babbling. "Problema sa inyo, malakas lang loob niyo kapag lasing kayo. Bakit ka nga ba nag-lasing ha? At bakit mo ba kasama yung lalakeng pinaglihi sa perla? Saan kayo nagpunta?" Tuloy tuloy niyang tanong. "May, nang" she paused. "May nangyari ba sa inyo, Clay?"

I was furious with her last question, instantly my scowl face was turned on as I move my head to face her na sana 'di ko na ginawa. She was staring at me like she was giving me a warning of you better think twice of what you're going to say.

Yung galit kong mukha tila nabago, napalitan ng takot. "Ano ba pinagsasabi mo? Sinong lalake? Sabi mo taxi driver naghatid sa 'kin?" Sunod sunod kong tanong matakpan lang takot ko.

Kumawala siya sa pagkayakap sa 'kin as she crossed her arms while giving me the same look. "What?" I asked.

"Kasama mo si Iñigo" walang ganang sagot niya.

Oo nga pala, I called him up para samahan akong uminom. Pakiramdam ko kasi sasabog nako, gusto kong makalimot kahit isang gabi lang. Makalimutan lahat ng problema, sakit, selos.

"Aray!!" I exclaimed. "Bakit ka ba nananakit?!" I asked habang himas ang nasapok kong ulo.

Bakit ka nga nananakit, Camilla? Ang sakit sakit na eh.

abCWhere stories live. Discover now