Chapter Fifty One

Start from the beginning
                                    

"Anong problema mo?!" Sigaw ni Camilla na nasa likod ko, puno ng galit nakatingin kay Mark. "Siya ba Clay?! Siya ba?!" Hindi ko sinagot ang tanong niya, yumuko lang ako at tama na yun para maintindihan niya ang sagot ko. "Hayop ka!" Maluha luhang sigaw ni Camilla.

"Sweetie" tawag ni sir Suarez sa kanya. "Leave it to the court, leave it to me" dinig na sabi ko dito.

Natigilan kami ng pumasok si ate na nakaposas, kasama ang dalawang pulis. Ngumiti ako dito pero di ko napansin na nagkakarera na pala ang mga luha ko, samut saring emosyon ang nararamdaman ko. Pumwesto sila ate sa harapan namin, lumingon ito sa 'kin. "Tama na bunso, tuwing nakikita mo ako lagi ka na lang umiiyak. Ganon na ba 'ko kapangit?" Pagbibiro niya, binigyan niya naman ng tipid na ngiti sila mama, simula ng malaman ni mama ang nangyari kay ate lagi na itong dumadalaw sa kanya dito. Nagawi ang mga mata nito kila tito Carlos, tinignan niya ito na parang inaalala kung saan niya nakita si tito. Napansin naman niya ang kanang bahagi ng korte, at tulad ko parang nagliliyab ang mga mata ni ate. Pangiti ngiti naman ang lalake na parang nanunukso, susugurin na sana ni ate ng pigilan siya ni sir Suarez. "you'll get your revenge" bulong dito. Sa sobrang galit namin di namin napansin ang pagdating ng hukom.

Clerk: This honorable court of Municipality of Zambuanga City with the honorable judge Ramon Filiteo is now in session. All rise.

Judge: Call the case

Clerk: People of the Philippines vs. Kylie Louis Aquino, criminal case number 7849 for first degree murder.

Tinawag ng hukom ang mga appearances ng prosecutor, ganon din ang sa defense para ipakilala ang mga sarili.

"Is the accused around?" Tanong ng judge. "Yes, your honor" sagot ng kampo nila sir Suarez.

"State the charges to the accused" utos ng judge sa clerk.

"Accused Kylie Louis Aquino, commits a crime of first degree murder article 111 commited as follows: that on or about four in the afternoon on August 12, 2009 in the municipality of Zambuanga City, province of Zambuanga Del Sur, Philippines within the jurisdiction of this court, the said accused did wilfully and unlawfully and feloniously attack, assault and murder Allan Aquino with the use of a knife over to his spinal column causing death to its victim" pagbabasa ng clerk.

Muli na naman akong napaisip nung nabanggit nila ang pangalan ni papa, tinignan ko si tito Carlos, kung anak niya kami bakit apelyido ni papa ang dala namin. I shook my head, 'di ko na muna isipin yun, focus Clay.

"Naintindihan mo ba ang allegations na nabanggit tungkol sayo, Kylie?" Mahinahong tanong ng hukom.

"Yes, your honor" sagot ni ate, tumango naman ang judge. "And what's your plea?" Muling tanong sa kanya.

"Not guilty, your honor" buong tapang na sinagot ni ate.

Seryosong tumango tango ang judge. "The accused plea, not guilty"

Dinig naman ang bulung bulungan ng kabilang kampo. "Order" paalala ng hukom. "You will be given your time to speak, habang 'di pa kayo tinatawag, please show some respect and stay quiet"

"Proceed with the prosecution" utos nito.

"Submitted to the honorable court the additional affidavit of Felicidad Aquino" sabi ng attorney nila saka inabot ang papel sa hukom. Si Felicidad Aquino ang nanay ni papa.

"Who is your first witness?"  Tanong ng judge.

"Mr. Mark Teodoro" sagot ng kampo nila. "Are you ready?" Tanong muli ng judge. "Yes, your honor" sagot ng attorney.

"You may call your witness" the court permitted.

"May we call on Mr. Mark Teodoro to the witness stand" tawag ng attorney nila, lahat naman kami napatingin sa demonyong lalake na ngayon ay akala mong maamong tuta.

abCWhere stories live. Discover now