Chapter Fifty One

Start from the beginning
                                    

"Love" bigla naman akong kumalma ng maramdaman ko ang yakap ni Camilla. "Susunod po tayo bukas, first flight" pilit na kinocompose ang sarili ko, muli na naman kasi naghahalo ang mga emosyon ng maalala ang nangyari kanina. "I promise love, susunod tayo bukas" pangungumbinsi ni Camilla.

Nanghihinayang man sa oras, wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod. Pareho kaming nakaupo sa kama na nakasandal sa headboard, hawak kamay pero ni isa walang nagsasalita. I'm sure alam na niya ang nangyari, feeling ko ang liit liit ko na, basag, nakakahiya.

"Pwede ko bang malaman ang nasa isip mo?" Tanong nito ng di tumitingin sa 'kin.

Umiling ako. "Nakakahiya" tanging nasabi ko.

"Wala kang kasalanan, Clay. Tandaan mo 'yan" mabilis na sagot ni Camilla.












Nakarating kami ng probinsya bandang alas otso ng umaga, dumeretso kami sa hotel kung saan nagcheck-in sila mama at mga tatlo pang lawyers sa firm ni sir Suarez. "Hey, okay ka lang?" Ngumiti lang ako sa tanong ni Mio saka tumango. Sobra akong kinakabahan, hindi ko kasi alam kung anong kalalabasan ng trial. "Thank you" buong puso kong sinabi sa kanya.

"Huh? Para saan?" Takang tanong ni Camilla, nginitian ko lang ulit siya at tinignan ang mga kamay namin na kanina niya pa pinipisil pisil. Nababawasan ang takot ko kapag hawak ko kamay niya, natatanggal ang kaba ko kapag alam kong nasa tabi ko siya.






"Clay, Camilla" sinalubungan kami ng yakap ni mama. "Kamusta ka na? Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni mama na sa itsura ng mata niya halatang magdamag umiyak. Tumango na lang ako bikang sagot sa tanong niya.

Napahawak ako bigla sa kamay ni Camilla ng makita sila tito Carlos at Iñigo, hindi na 'ko magtataka kung bakit andito sila. Sinundan naman ni Camilla ang direksyon ng mata ko. "I'm here, Love. Don't worry" she assured me.

"Hi, Clay" bati ni Iñigo. "Hi, Cam" baling nito sa katabi ko. Tumango lang ang Camilla na kala mo kung sinong siga sa kanto, kinagat ko labi ko para pigilan ang sarili sa pag-ngiti.

"Hi, anak" nahihiyang bati ni tito, wala akong naging tugon, yumuko lang ako at nagdadasal na sana wala sila sa harapan ko. Ayoko muna silang isipin, wala akong ibang dapat isipin kundi ang ate. "Punta muna kami sa room namin, papahinga lang saglit" singit ni Mio ng mapansin niyang uncomfortable na ang situation.

Bago pa man kami umalis sa harapan nila, naalala kong itanong kung anong oras ang trial ni ate. "A-anong oras ang t-tri--"

"Alas diyes, anak" putol ni mama sa utal-utal kong tanong.




"Clay, maganda ba ate mo?" Nakangising tanong ni Camilla, hindi ko alam kung saan ako kakabahan kung sa trial ba ni ate o dito sa tanong ni Suarez. "Bakit?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Wala naman, gusto ko lang malaman hehe" di ko pinansin ang sagot niya. "Pero malamang maganda siya, maganda ka eh, maganda ang mom mo at gwapo ang da--" di niya tinuloy ang pagdaldal, marahil naisip niya ang situwasyon. "Sorry" nahihiyang sabi nito.

"Love" tawag niya. "Pakain ka naman" halos bulong na sabi nito pero dinig na dinig ko yun.

"Huh?" Pagkukunwari ko.

"Uhm, magpakain ka" sagot niya na ikinataas ng kilay ko. "M-maglibre ng pagkain, what I meant" napapailing na lang ako sa babaeng 'to.










It's almost 10:00am, nasa loob na kami ng trial court at inaantay ang presiding judge ganon din kay ate. Habang papalapit ang oras, lalo naman tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Nasa kanan ang relatives ni papa, masama ang tingin sa amin. Kasama din nila ang walang hiyang lalake na tumatayong star witness ng kampo ng pamilya nila papa, si Mark. Lumingon siya sa gawi namin sumilay ang ngiti sa mga labi ng demonyong mamamatay na tao tila nagsasabing wala kaming laban sa kasong 'to. Napayukom ang mga palad ko habang tinititigan ang lalakeng may dahilan kung bakit nakakulong ang ate, kung bakit wala na ang papa.

abCWhere stories live. Discover now