Chapter 7: Huwag na lang Ako

Magsimula sa umpisa
                                    

         "Kanta ka na dali."
         "Hindi nga ako kumakanta, ang kulet!"
        "Pag di ka kumanta wala kang tutulugan mamaya."

          Biglang sumigaw si Jam. "Sige na Alice!!! Bago ka man lang umalis next year marinig man lang namin ang boses mo!"

        Sabay-sabay silang sumigaw: "Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!"

         Haaay! Nakakainis! "Sige bahala kayo! Isalang mo ang Moonriver!"

        Nagsimula akong kumanta at di ko mawari ang iba't-ibang reaksiyon nila. Pero iisa ang sure ako: Tahimik sila at walang sumasabay sa akin. Hahahah!

       After kong kumanta, tingin ko namang sincere ang palakpakan nila. Binigay ko kay Raga ang mic. Pumunta ako ng shower room para hubarin ang robe ko para makapag-swimming na. Paglabas ko ay nagulat ako ng makitang nag-aabang si Jem sa labas. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa.

        "Yan ang suot mo?" tanong niya. Sinipat ko ang sarili ko.

        "Bakit? May mali ba? Alangan namang night gown?"

        Napadaan si Jecko sa harap namin na bitbit ang pitsel ng yelo. Magre-refill na naman siguro. Tinapunan siya ni Jem ng tingin habang papalayo.

        "Magpalit ka nga."
        "Baket? Mali ba? Pang ligo naman 'to ah? Ano ba nangyayari sa 'yo? Daig mo pa nanay ko ah."
        "Basta magpalit ka."
        "Jem hindi. Di ako magpapalit. Dito ako comfortable. Bakit mo ba ako inaaway?"
       "Ikaw lang ang naka-ganyan."
       "Oh so?"
       "Tsk! Halika, marami ako taas, magpalit ka."
       "Eh ayoko nga eh! Ano ba?!"

       Dumating si Ma'm Mafin. Mukhang gagamit sana ng banyo pero nakaharang ako.

        "Nag-aaway ba kayo?"
        "Eh Ma'm di ba? Tingnan niyo nga 'yung suot?" Kumukuha pa siya ng kakampi.

        "O, okay naman ah?"
        "Hindi. Hindi okay. Alice halika, you change."
        "Eh ayoko nga!"

        Padabog akong tumalikod, pumunta ng pool at lumusong. Nilapitan ako ni Rein at Jam.

         "Sexy ah. May tinatago ka pala Alice," puna ni Rein.
        "Naka busangot ka?" Jam asked.
        "Bad trip lang, slight."

         Lumusong na rin si Jem. Hindi nya ko nilalapitan. So what? Feeling nya ba? Ano ko ba sya? She's so controlling.

         Kanya-kanya na ulit silang langoy. Nanatili ako sa sulok ng pool.
Maya-maya ay lumapit si Jem na matigas ang mukha.

         "Siguraduhin mo lang na pag umahon ka, magpapalit ka na."
         "Ano ba'ng problema mo?"

         Hindi siya sumagot. Umahon sya ng pool atsaka nakimingle do'n kina Jecko na nag-iinuman na sa cottage. Lumangoy ako palapit kay Ner.

         "Si Ice umakyat?"
         "Oo, sumakit uli paa. Akyat na rin ako mamaya."
         "I guess you two are good now. I'm happy for you. Pasensiya ka na sa akin kanina, best friend eh. Basta kung ano kahinatnan niyo, nasa likod niyo ko. All for Ice. Don't hurt her Ner, mahal ka niyang sobra. Kung alam mo lang."
         "Thanks Alice. All is new to me and.... it scares me somehow."
        "Basta sundin niyo lang puso niyo at wag unahin ang pride."
        "Ikaw?"
        "Haha! Love is not for me. Baka kung makita ko forever niyo ni Ice, saka lang ako maniwala."

         Marami pa kaming napag-usapan ni Neriza. Siniwalat ko na lahat ng mga ginagawa ni Ice noon nung di pa sila close.

        "Hahaha! Huwag mong sumbong kay Ice ha. Baliw baliwan yon. At least ngayon yung mga gusto nyang sabihin sa' yo hindi na sa salamin ni Boy Abunda."

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon