Chapter 27: Kiss me Quick

Magsimula sa umpisa
                                    

       After dinner ay kanya-kanya ulit tago sa lungga. Pool party daw mamaya at may mga kasambahay na sina Jeckong nag-aayos doon. Pag-akyat ay para kaming namatayan ni Ice. Sobrang tahimik. Ano ba'ng gagawin ko?

        "Ice….." tawag ko sa kanya bago siya pumasok ng banyo. Lumingon naman siya sa 'kin.
       "Hmmm?"
       "Puwede ba tayong mag-usap?"

        Dumaan ang pagkalito sa mata niya. Hindi na siya pumasok ng banyo at naupo siya sa kama. Tinabihan ko siya.

        "Ner…A-… I'm…"
        "Huwag na huwag kang magso-sorry sa nangyari kanina sa batis, pakiusap."
       "Hindi ka galit?"
       "Nope."

        Kumawala ang ngiti sa labi ni Ice. "Salamat naman. Okay na sa akin 'yon. Kung sana eh, let's just forget about it. Nagkaka-ilangan na kasi tayo."

        "Bakit gusto mong kalimutan ko?" Sinuntok ko ng mahina ang braso niya. "First kiss ko 'yon ah!!"
        "Aray!"
        "Nakakainis ka Ice! Parang wala lang sa 'yo ah! Ano ba 'yon?! Trip trip lang?!"
       "Hala!"

       Pinagsusuntok ko ulit ng mahina ang braso niya. "Ano! Ano?! Pingati-tripan mo lang ba ako? Ha?!"

       "Aray! Aray Labs! Ano ba! Sadista ka na porket alam mong mahal na mahal kita ah, aruch!"

       Inirapan ko siya. "Ano ulit sabi mo?"
       "Aruch?"
       "Bahala ka sa buhay mo! Bababa na nga ako at magsu-swimming!"

Shaicee's POV:

         Sa totoo naman talagang nakakakaba no? Manghalik ka ng taong mahal mo ng walang paalam? First kiss ko rin si Neriza.

        Sinabi ko lang naman 'yon na kalimutan para malaman ang nasa loob niya. Nahihiya at natatakot din ako. Hindi rin pala madali ang ganitong sitwasyon? 'Yung ako sa sarili ko, sure ako sa feelings ko kay Ner, eversince. Feelings na noon pa, wala akong planong isiwalat lalo na sa kanya.

         Totoo namang nagkaro'n ako ng pag-asa ng magrespond siya sa kiss ko kanina pero hindi ako eksperto para masure kung ang pagtugon na ba 'yon ay dahil pareho kami ng nararamdaman o dahil nadala lang siya?

         Napikon siya sa pag-aakalang nagti-trip ako? Mas lalo yata akong naguguluhan. Hinayaan ko siyang mauna sa poolside. Mamaya, bago matulog ko na lang siya ulit kakausapin.

         Pagbaba ko sa poolside ay nagkakasayahan na sila. Lumusong na rin ako. Nakita kong nasa isang sulok si Jam at kausap si Neriza. Mukhang seryosong seryoso sila. Di ko na lang sila pinansin. Lumapit ako kay Ma'm Mafin. Inaaya niyang lumusong si Raga.

        "Razheen!" Sigaw ko. "Tara na, ang sarap ng tubig!"
        "Sige later. Hindi naman ako lumalangoy, makakasikip lang ako dyan."
        "Sige na Raga, c'mon," matigas na tono ni Mafin. Para namang natakot bigla bigla si Raga kaya't napalusong na rin siya.

        "I'll teach you baby how to swim," malambing na sabi ni Ma'm. Lumihis na lang ako ng langoy. Baby? Hmmm…. Sa bagay, mga bata naman talaga kami ituring ni Ma'm.

        After a while, umahon na rin ako. Medyo kumirot 'yung parte ng binti ko sa pagkakadulas ko kanina.

       "Oh Ice, swimming pa," aya ni Rein.

       "Hmmm, okay na 'yon. Sumakit binti ko eh. I'll go ahead. Enjoy lang."

       Nakita kong papunta sa akin si Ner pero hinatak siya ni Jam. Nagshower muna ako atsaka tuluyang umakyat. It's been a tiring but an enjoyable day. Ngayong araw ba naman nahalikan ko ang tinatangi ng puso ko, sino ba ang hindi magiging masaya?

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon