Volunteer for Dance

Start from the beginning
                                    

Hindi kami nag papansinan hanggang break time kaya hindi narin ako lumabas at nagearphone nalang tsaka ipinikit saglit ang mata ko.

Ilang minuto ring ganyon ang pwesto ko ng maramdaman kong dumating na si dylan at nakatabi na saakin.

Hindi sya gumagalaw pero alam mong nakatingin sya saakin.

"Bakit!?" sabi ko habang nakapikit parin.

"O-oh kumain ka muna alam kong hindi ka pa nagbe breakfast" nahihiyang sabi nya.

Tinanggal ko ang earphone ko at tsaka naka halumbabang tumingin sa kanya ng matagal.

"B-bakit mo ko tinitignan ng ganyan h-ha" utal na sabi nya.

"Bakit masama?" sabi ko

"H-hindi naman k-kumain ka na nga lang" inis na sabi nya.

"Subuan mo ko" sabi ko naman sa kanya.

"Ha!? Eh may kamay ka naman. Bakit hindi nalang ikaw ang magpakain sa sarili mo" sabi nya.

Nung akmang tatayo na ko bigla nya akong hinigit pabalik sa upuan ko.

"Oo na ito na oh !! wag ka ng umalis nakakainis ka naman eh" sabi nanaman nya.

"Tsss susubuan mo rin pala ako may patanggi tanggi ka pa" sabi ko habang binuka ko ng maliit ang bibig ko

Sinubuan nya naman ako tsaka ako napangiti sa ginawa nyang yon.

"Bkit ka naka ngiti ka dyan" medyo inis na sabi nya.

"Wala lang bakit ba?" sabi ko na naman

"tss" sabi nya at tsaka binigay saakin yung pineapple juice na binili nya.

"I love you babe" bulong ko sa tenga nya.

Nagulat naman sya sa sinabi ko at kitang kita mo na naman ang pamumula ng mukha nya.

"Mahal din kita" sabi nya sabay yakap nya saakin.

"Wala lang tao dito sa room natin kaya kung makapag pda kayo wagas" pang aasar ni caleb dahil kakadating nya lang galing canteen.

"Sa sobrang ka sweetan nyo baka mamaya langgamin tayo dito" sabi naman ni reese.

"Siraulo" sabi naman ni dylan sa dalawa

Ngumiti nalang ako at tsaka niyakap ulit si dylan.

Mag hapon kaming pasikretong naguusap ni dylan sa likod at hindi na nakikinig sa Prof  namin hindi naman nila napapansin dahil nga nasa dulo kaming dalawa.

Mabilis natapos ang klase at awasan narin.

"Babe hindi ako makakasabay ng uwi may dala kasi akong motor text nalang kita kapag nasa bahay na ako"

Umo-o naman sya at nagpauna ng umalis nang napansin kong wala na ang kotse ni dylan ay mabilis akong pumunta sa dance studio at nagpractice ng nag practice.

"Ohh my God kei hindi ko inexpect na nakahabol ka sa lahat ng steps namin anyway sorry nga pala kanina dahil mas inuna kong husgahan ka kesa ...." hindi nya na naituloy dahil sinagot ko kaagad sya.

"Okay lang ate leader. Naiintindihan ko ang sitwasyon nyo"

Mabilis lumipas ang araw at bukas na rin mismo ang prom night.

"Oh guys kita kita nalang tayo bukas good luck saatin"

"Whooh excited na ako at paniguradong maraming magugulat dahil hindi nila alam na kasali si kei sa dance troupe natin"

"Oo nga pre may pasabog effect" sabi naman nung isa.

"Kei uuwi ka na ba?" sabi naman ni drake.

"Oo eh kailangan ko pa kasing ayusin yung mga susuutin ko bukas"

"Gusto mo hatid na kita medyo gabi na rin kasi eh baka mapano ka".

"h-huh eh ahm okay" sabi ko nalang.

Ngumiti naman sya at inalalayan akong makasakay sa kotse nya.

"Thanks" sabi ko nalang nung nakapasok na ako sa loob ng kotse nya.

Hindi na kami nagusap dahil pareho lang kaming pagod at itinuro na lang sa kanya ang bahay namin.

Nang makarating ako sa bahay ay mabilis din akong nakababa.


"Ahm thanks sa pag hatid gusto mong pumasok sa bahay if you want lang naman" sabi ko.

"Naku hindi na baka next time nalang kita nalang tayo bukas sa prom night" sabi nya tsaka pumasok sa loob ulit ng kotse nya.

"Thanks ulit" tsaka ko ako pumasok sa loob ng maka alis na sya.

Ipinahanda ko na sa secretary ko yung susuotin kong dress tsaka maagang natulog para bukas.

HE'S INTO HERWhere stories live. Discover now