Chapter Fifty Two

Start from the beginning
                                    

'' iba talaga si danie, gaano na ba siya kaganda at nalalaglag agad ang panty mo para sa kanya? '' seryosong turan ni anabel, natawa naman si mark.

'' hay I don't know okay. Basta it happened so fast kaya naiinis din ako sa sarili ko ''

'' dapat hindi na yun maulit meghan baka nakakalimutan mo may boyfriend ka na. ''

'' I know naman kaya nga naguguilty ako  ''

'' wait maiba ako, ang alam ko nagkabalikan si danie at si jex. May nakakita nga sa kanilang nag ki kiss eh '' sabad ni marcus sabay hugot ng phone nito sa bulsa.

Nilapag niya ito sa mesa at tiningnan namin ang mga pictures na nakabukas na.

Nakita ko si jex na may kahalikang blonde na babae hindi naman kita ang mukha pero malamang si daniela yun. Bwisit talaga. Sa mga nakita kong pictures biglang kumulo ang dugo ko.

pero bakit? bakit affected pa rin akong masyado?

'' tara na guys uwi na tayo '' yaya ko sa kanila, nawala na ako sa mood. Sumunod naman sila sa akin.

'' ano ba affected ka pa rin ba sa kanya? ''

'' kanino? ''

'' kay danie at jex ''

'' no! '' madiin kong sagot kay angela.

Naglalakad na kami palabas ng gate.

'' okay sabi mo eh, kahit mukhang lumabas sa ilong mo yung No '' tatawa tawa ito. Napabuntong hininga lang naman ako.

'' aba anong meron at ang dami namang tao sa labas ? '' saad ni mark, nagkatinginan naman kaming magkakabarkada.

'' ui dali na girl andyan daw si daniela maxine sa labas '' narinig namin sinabi nung isang babae sa kaibigan niya. Nagmamadali sila katulad ng ibang mga estudyante.

'' wow speaking of, nandyan pala siya ''
mark told me trying to tease. Kinukurot kurot niya kasi ang braso ko.

'' oh diba tinatanong niyo ako kung gaano siya kaganda, well see it for yourself ''

Nang makalabas na kami sa gate ay tumambad na ang napakagandang si daniela maxine with her another expensive car. Nag iisip na nga ako na siguro koleksyon niya talaga ang mga sasakyan, paiba iba ang dala niya eh.

May mga nagpa autograph at nagpa picture. Bukod kasi sa champion siya sa international tennis game, anak ng isa sa pinaka mayamang businessman sa mundo, ay isa rin itong model ng sikat na brand ng damit and make up, kaya eto sikat na sikat siya.

Nang mapansin niya kami ay lumapit ito sa amin.

'' hi good to see you guys '' ngumiti ito ng tipid.

Hindi ito yung tipikal na daniela siguro alam naman niya na galit din sa kanya mga kaibigan ko na naging kaibigan din naman niya.

'' hi? '' sagot ni mark na nagpapaka baklang tunay.

'' daniela hindi kami makikipagplastikan sayo, we are not in good terms sa ginawa mo sa kaibigan namin pero bilang tao at may pinagsamahan tayo well good to see you too '' saad ni angela sa kanya.

Tumango lang ito at ibinaling ang tingin sa akin.

'' we need to talk. ''

'' then talk ''

'' not here ''

'' so tingin mo sasama pa ako sayo hell no! ''

Para makaiwas ng iskandalo ay hinatak  na nito ang kamay ko at isinakay sa kotse niya. Hindi naman nakapalag pa ang mga kaibigan ko at naharangan na sila ng maraming tao.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now