Chapter Forty Nine

Depuis le début
                                    

'' I'm so---- '' napatigil ako at nanlamig ng makita ko sa harapan ko ang taong pilit kong kinalimutan for 2 years.

'' d...dan dan? ''

- DANIELA -

Nakarating na kami ni denton sa pilipinas, matapos ko kasing sabihin sa kanya na ready na akong umuwi ay agad din itong nag impake.

Masayang masaya ito ofcourse para makita na rin niya ang girlfriend niya. Kunwari lang ito na gusto niya talaga akong samahan, batukan ko kaya kapatid kong ito? pero huwag na at mahal ko naman itong kumag na ito, hindi ako nito pinabayaan.

'' welcome home '' saad nito pagkalapat ng sapatos niya sa NAIA.

Dala dala niya ang mga luggages namin. Sa bahay naman kami didiretso at nang magkatao naman dun kahit pansamantala lang at yung care taker lang at mga katulong namin ang nag stay roon. Si mom kasi ay umuwi na muna rin ng Amerika para makasama kami.

Gumawa lang kami ng dahilan para makauwi dito, mabuti na lang magaling mag isip itong si denton and here we are! Welcome back pinas!!!

'' twin san ka pupunta? magpahinga ka muna '' saad sa akin ng kambal ko na nakahilata na sa sofa.

Pagod na pagod talaga siya, ang dami niya kasing bitbit kanina tapos siya pa yung naging unan at kama ko sa eroplano. Napagkamalan na naman nga kaming magkarelasyon ng ibang pasahero, ang sweet daw namin at magkamukha na talaga... kung alam lang nila.

'' I will just go around town '' sagot ko

'' really? sa town lang ba talaga? '' ngumisi ito sa akin at alam ko ang gusto niyang iparating pero ginantihan ko lang siya ng nakaka lokong ngiti at umalis na.

When I was in the car. I called her phone, gusto ko kasing marinig ang boses niya.
Hello lang ang unang sagot nito bago ito nagtaray pero it was enough reason for me to boost my confidence to see her.

I know I'm not ready yet pero hindi ko alam gusto ko talaga siyang makita. I called my private investigator at sinabi niyang nasa grocery ito.

Bumili muna ako ng frappe, isa rin kasi ito sa mga namiss ko. Then pumasok na ako sa grocery store. Hindi naman talaga ako magpapakita sa kanya, magtatago lang ako, oo stalker lang talaga ang peg ko, kakatawa diba. Nababaliw na ata talaga ako.

Then nakita ko siya hawak hawak yung bote ng ketchup, may sinasabi ito hindi ko lang naintindihan at malayo naman ako. Pero shit kitang kita ko kung gaano kalaki ang pinagbago niya. Mas gumanda kasi ito at sumeksi, mas mahaba na rin ang buhok niya, naiiyak na naman lang ako miss na miss ko na talaga siya.

I was so busy na titigan si meghan nang mag ring ang phone ko, sinagot ko ito. Si denton telling me na kikitain niya rin daw si angela deadma na raw if he's so damn tired. Idol niya raw kasi ako at for sure stalker na naman ang peg ko ngayong araw. Baliw talaga yun.

Pagkasilid ko ng phone sa bulsa ay nawala na si meghan kaya hinanap ko ito at naglakad lakad ako.

Aba hindi ko na mahanap nawala na talaga kaya naisip ko na pumunta sa stall na maraming chocolates, mahilig yun dun eh.

I'm having my way papunta dun ng  biglang may bumunggo sa akin. Tumilapon ang frappe ko sa sahig maging ang mga dala dala nitong chocolates.

Tumigil ang mundo ko, si meghan ang nakabangga ko, she's telling me sorry though hindi niya pa ako nakikita. After niya makuha lahat tumayo na ito.

'' I'm so---- '' natigilan siya the time our eyes met.

'' d...dan dan? '' napalunok ako ng laway at ganun din naman siya.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant