Ang advise sakin ng doctor, ngayon taon na ito, kelangan ko ng magpahinga para sa susunod na taon magiging ready na ako sa operasyon. Nagfile na ako ng resignation letter sa opisina. Pinayagan naman nila ako. Hindi ko ito sinabi sa kanya.

A month bago kami mag-anniversarry, nalungkot ako dahil yun ang buwan para umalis ako at lumipad ng ibang bansa para dun na magpahinga habang inaantay ko ang aking operasyon. Pero siya, excited na sa 3rd anniversarry namin.

Palapit ng palapit ang araw ng pag-alis ko at palapit naman ng palapit ang 3rd anniversarry naming dalawa. December 18.

3rd anniversarry.....

Bago siya magising, naghanda na ako ng kunting surpresa para sa kanya. Dinikitan ko ng sticky notes ang buong kwarto na ang mga nakasulat dun ay mga pick-up lines na binabanggit niya araw araw sa tuwing gigisingin niya ako. Inipon ko yun mula nung magsama kaming dalawa.

Sa labas ng kuwarto, nagkalot ang mga puting lobo sa buong bahay na nakadikit doon ang mga pictures naming dalawa na masayang magkasama.

Sa may hagdan, nagkalat ang pink petals ng rosas patungo sa may garden kung saan doon ako naghanda ng agahan para sa kanya.

Tulad nga ng inaasahan ko, umiiyak na naman siya sa tuwa. Niyakap niya ako mula sa likuran ko. Pagkabitaw niya sa akin, binigyan ko siya ng tatlong pulang bulaklak at hinalikan siya sa noo bilang pagbati ng Happy 3rd anniversary.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa may asotea at doon magkahawak ang kamay naming dalawa habang nakatingin sa tanawin.

"I love you..." bulong ko sa tenga niya.

"I love you forever and always..."

"I'm sorry..." malungkot kong tugon sa kanya.

"Why...?" hinarap niya ako.

"I even don't say forever everytime you say I love you to me. But for you, you keep on saying forever." tumulo ang luha ko sa harap niya at hindi ko siya matingnan ng diretso.

"Forever is just a word, it won't change the reality how much I love you." pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ako.

Nagui-guilty ako at hindi ko kayang magtapat sa kanya. 3 more days at mawawala na ako sa piling niya. Niyakap ko siya, as if ang tanggal naming hindi nagkita.

Forever for me means a lifetime promise, a dream come true reality that I have her with me, but I can't say forever to her because I have these guilt feelings I kept in my heart. It kills me everytime I saw her smiles, I'm not open to her, I keep my secrets, I became selfish to her.

Natapos ang araw habang kami ay magkasama. Sa bahay lang kami naglagi, nanuod kami ng mga childhood videos naming dalawa, hanggang sa makatulog na kaming dalawa sa may sofa.

Kathang IsipWhere stories live. Discover now