Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Kuya Sandro, hindi ko na namalayang nasasaktan ko na pala si Denver in the process. Pero anong magagawa ko? Si Kuya Sandro ang mahal ko eh. Pinaasa ko ba talaga siya? Maybe I did. Nagkamali ako. And before I can even say sorry to him, he left me. Masakit kasi natutunan ko na rin siyang pahalagahan eh. Kahit naman sabihin nating wala akong pagmamahal na nararamdaman para sa kanya, may pagpapahalaga naman akong inalagaan dito sa puso ko. I cared for him enough for it to break my heart. Hindi ka lang naman nasasaktan sa pagmamahal eh. Nasasaktan ka rin sa pagpapahalagang ibinibigay mo sa isang taong pinagkatiwalaan mo.

Nito lang nakaraang buwan, nagparamdam ulit si Denver sa Facebook. Naglalike siya ng mga status at pictures ko. Nilike nga rin niya ‘yong Instagram post ni Kuya Sandro kahapon eh. ‘Yong selfie niya with my nuggets. At tinag pa talaga ako ha. Tuwang tuwa siguro siya kasi pinagluto ko siya ng nuggets. It’s one way of showing I care for him. Alam kong ramdam niya ‘yon at masaya na ako roon.

Going back to Denver, nagmessage siya sa akin last week lang yata. Maiksi lang ‘yong message niya pero talagang napaisip ako roon.

We need to talk. I have a lot to tell you. See you soon. :)

See you soon ha Denver? What do you mean by that?

Nagising ako sa mahabang pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mommy.

“Oh, anak, ano pang ginagawa mo diyan sa tapat ng pintuan mo? Dinadasalan mo pa yata ‘yan eh.”

Napatingin agad ako sa kanya nang sabihin niya ‘yon. Nakangiti si Mommy na wari mo’y may sikreto siyang alam. Kiming nginitian ko na lang din siya at napakamot sa ulo ko.

“Ah, wala Mommy. Actually, papasok na nga po ako eh. Good night po!” sabi ko at humalik sa pisngi niya. Nang humarap na ako sa pintuan ko ay nauntog pa ako roon. Hinimas ko lang ‘yong noo ko at pinihit na ang seradura. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Mommy. Jeesh, nakakahiya.

Nang mailapat ko na ang pinto ay sumandal ako doon at sinapo ang dibdib ko. Pumikit pa ako at impit na tumili.

“Ah, good night. Bubwit ko.”

That’s all it took to make my night.

I climbed my bed and drifted to a peaceful and wonderful sleep.

**

Nagising ako ng maaga the next day. Sobrang aga. Pagtingin ko sa orasan ko sa bedside table, 5:00 pa lang daw. Usually naman eh alas sais na ako nagigising dahil naaamoy ko na ang nilulutong agahan ni Mommy na abot dito sa second floor, sa loob ng kwarto ko.

Usually din, kapag ganitong maaga pa at nagigising na ako, bumabalik ako sa pagtulog ko. Pero kakaiba ngayon eh, parang sobrang excited akong magising. ‘Yong happiness ko kahapon ay nastretch hanggang ngayong paggising ko kaya naman bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili ko sa banyo.

Since maaga pa nga, wala pang tao sa baba. Especially sa kusina. Pero siguro maya maya lang din ay magigising na si Mommy. Kailangan ko palang magmadali.

Agad akong nagtungo sa kusina at kinuha sa cupboard ‘yong lahat ng kakailanganin ko para iprepare ang breakfast. Kinuha ko ‘yong carton ng pancake na favorite namin ni Kuya Sandro at nagsimulang magmix. Nang maiprepare ko ‘yon ay isinantabi ko muna at nagtungo sa ref. Kinuha ko ‘yong ilang prutas na meron kami—saging, mansanas, at peras—at ‘yong all-purpose cream. I sliced the fruits and put it in a bowl and poured the all-purpose cream. I was about to put it back on the fridge to let it cool when I heard footsteps. Paglingon ko, si Mommy pala.

“Oh, anak, ang aga mo yata ngayon?” sabi niya in between yawns. Napangiti na lang ako sa kanya.

“Oo nga po eh. Hindi naman na ako makatulog ulit kaya heto, ako na po ang nagprepare ng breakfast natin.” Sabi ko habang hinahalo ulit ‘yong pancake mix. Ngumiti lang ulit ng makahulugan sa akin si Mommy.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon