Chapter 30

8.7K 96 9
                                    

LESLIE

What's up Doc?

Ano nang nangyayari? Parang kailan lang noong madiskubre ko ang nararamdaman ni Kuya Charlie para kay Ate Jamie tapos ngayon, malalaman ko na lang na nanliligaw na siya? Parang ang bilis yata? Naka naman si Kuya Charlie! Madiskarte.

Pero masaya ako, at least... mawawala na 'yong issue tungkol kay Ate Jamie at Kuya Sandro diba? I mean, hindi naman siguro papayagan ni Ate Jamie si Kuya Charlie kung ayaw niya dito? Gwapo kaya si Kuya Charlie! Hindi ko nga alam kung sinong pinakagwapo sa kanilang magbabarkada eh. Iba't iba kasi 'yong pagkagwapo nila. At si Kuya Charlie nga, girl magnet 'yong pagkagwapo. Parang mala... um... kilala ninyo si Max Irons ng The Host? 'Yon. Parang gano'n. Younger version lang si Kuya Charlie, siyempre.

As usual, sinundo na naman ako ni Denver from home to school. Nakaramdam na naman ako ng pagkaihi dahil doon. Ewan ko ba, I'm looking forward to waking up each morning dahil lang sa alam kong may susundo nga sa akin. Kakaiba 'to eh. Dati naman noong si Kuya Sandro ang naghahatid sa akin sa school, may mga panahong tinatamad ako. Nagsasawa, gano'n. Pero ngayon, parang hindi pa ako nakakaramdam ng pagkaumay. Pagkaihi, pwede pa.

Naipark na namin 'yong kotse sa tabi ng kotse ni Kuya Miguel. Bababa na sana ako nang may makita akong babae sa gitna noong parking lot. Nagpapapadyak siya ng paa niya while looking at Kuya Charlie. Because I can't contain my curiosity anymore, bumaba na ako ng kotse at lumapit sa kanila. Mukhang tanga 'yong babae, might I say. Pero in fairness, mukha siyang may class. And when I got a closer look of her, nanlaki na lang ang mga mata ko.

Really?

Ate Samantha is here? What a shocking revelation!

Agad akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap ko. Napaatras siya sa sudden contact namin. Natigil siya sa pagpapadyak niya at tumitig lang sa akin. Nang kumalas ako sa pagkakayakap namin ay ngumiti ako ng wagas sa kanya.

Ate Sam!” I exclaimed. Gosh. She's prettier than ever. Halos walang pinagbago sa features niya noong huling beses na nakita ko siya. And that was two years ago. High school pa lang siya noon. Naging mature lang siya ngayon but she's still the same Ate Samantha for me.

If I hadn't fallen for Kuya Sandro? This is the girl that I want him to fall in love with. Not—Ate Jamie.

Nagtitigan pa kaming muli nang mapansin kong parang hindi na ako nakikilala ni Ate. Magtatampo na sana ako when something lit in her eyes at tinutop niya ang bibig niya.

Leslie? O. M. G. Is that really you?” sambit niya. I nodded vigorously at niyakap pa siyang muli. Tumawa na lang siya at hinagod ang buhok ko. Gah. Nakakamiss siya. Sobra! Siya ang unang babaeng hindi ko kamag-anak na nakasundo ko talaga.

Ano Ate? Are you back for real? You're not leaving anymore?” tanong ko sa kanya pagkatapos. Biglang nag-iba ang aura niya when I asked that. Nawala ang cheerful countenance niya at napaltan iyon ng malungkot na hitsura sa kanyang mga mata. Umiling siya sa akin pagkatapos.

No. I'm just... here for vacation,” malungkot na sabi niya habang bahagyang nakatungo. Bigla naman akong napa-oh ng mahina dahil doon. Nanahimik din kami pagkatapos kaya nagulat na lang ako when she tilted her head up and nudged me. Pag-angat ko ng tingin ko, nakabungisngis na ulit siya.

Anyway, it's not a big deal. Now that I'm here again, let's bring back the old times! Ano, are you up for shopping?” Aya niya sa akin. Napangiti ako ng malapad dahil doon.

Of course! Ako pa ba ang tinatanong mo ng ganyan ate?” sabi ko naman sa kanya. Sakto namang lumapit si Denver sa amin.

Shar,” Denver nodded at her. She nodded back.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon