Chapter 33

8.2K 81 21
                                    

SANDRO

Charlene Samantha is really a brat. Pero hindi ko inakalang magiging ganito siya katindi ngayon. Dalawang taon lang ang lumipas. Nangibambansa lang siya. Bakit sumobra yata siya?

Aaminin ko, when I called her by her complete name, inisip kong titigil na siya sa kaartehan niya. Pero nagulat ako. Guess everything's changed now, huh?

I was even more shocked to see her smirk at me. Hinding hindi niya 'yon nagawa sa akin noon. Dahil noon—takot pa siya sa akin. Or rather, takot siyang magalit ako ng sobra sa kanya. She always wanted to please me then kaya kahit may pagkabrat siya, nabawasan 'yon when we were... uh... still together? I don't know how to call us. Hindi naman naging kami noon. Well, not really. Parang mutual understanding but on a higher level? Basta. Komplikado.

But we had our monthsaries and such... I really thought we were on pero tinanggi niya rin 'yon right before she left for the States. Ang gulo diba? Sabi sa inyo eh.

Pero gaya nga ng sabi ni pareng Oscar Wilde, “Women are meant to be loved not to be understood.” So anong ginawa ko? Hindi ko na lang siya inintindi. Minahal ko na lang siya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, wala ng natira para sa sarili ko. I forgot to love myself that's why when she left, I felt like I was nothing. I felt like she took my heart away with her. I felt like I had no more reason to go on with my life.

Just because she left.

For a guy, sobrang hina ko. Babae lang siya tapos ganito ang epekto niya sa akin. Siyempre, women are men's weakness. At sa kaso ko, na iniwan na ng parents ko, malamang lang talaga na manghina ako when another person leaves me.

I would never understand the idea of good byes.

Sabi nila, hindi raw para sa mga mortal 'yong idea ng forever. Para sa mga vampire lang daw 'yon dahil mga imortal naman daw sila. Pero kasi, they're just looking on the literal meaning of forever. Maraming pwedeng ipakahulugan dito. Ang isang araw kapiling ang taong mahal mo ay pwede ng ituring na forever. It depends on how you look at things.

Pero teka nga. Sino bang sumapi sa akin at bigla bigla na lang akong nag-d-discuss tungkol sa forever? Meron ba ako noon? Eh happiness nga wala ako eh. 'Yon pa kaya?

At teka nga ulit, bakit ko ba iniisip pa si Charlene Samantha Mercado—kapatid ni Charlie gago? De joke lang 'yon. Mahal ko 'yang si pareng Charlie. Ulol! Ang gay.

I couldn't help but think of her. Lalo pa ngayo't nag-walk out siya sa cafeteria. I saw her eyes—naiiyak siya when Charlie said mean things to her. Gusto ko tuloy siyang habulin at tanungin tungkol sa mga bagay bagay.

Why did she leave? What happened to her in the States? How was it like for her in those two long years? And why is she here now?

Binalot ng katahimikan ang mesa namin dito sa cafeteria. Actually, maging ang buong cafeteria ay nanahimik when Samantha left. Paano, nakiusyoso sila eh. At dahil tapos na 'yong palabas, nanahimik sila. Ngunit maya-maya lang din ay balik sa normal ang loob ng cafeteria. Kami lang itong hindi pa makahuma.

Si Charlie ang unang nakabawi. He shrugged then looked at us.

Sorry about that,” he said nonchalantly. Tinitigan lang namin siya. How could he be like this to his sister? Twin sister to be more specific? Sure, Samantha is kind of bitchy and bratty pero diba? Kambal siya ni Charlie at kung may magtatanggol man sa kanya, si Charlie dapat 'yon.

Shar just needs to tone down her bitchiness. Walang preno talaga ang bunganga no'n kung minsan,” dagdag pa niya. He may sound like he doesn't care about his sister pero kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag-aalala sa kapatid. Idagdag pang mukha siyang pagod na pagod na sa pag-intindi dito.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now