May kumatok sa pinto at si Daddy ang bumungad nang bumukas iyon.

“Vincent’s in the guest room. Doon na siya matutulog.” Sabi niya habang papalapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko. May ibang tingin sa akin si Dad na ikinainit ng pisngi ko.

“He should be in the guest room.” Dugtong pa niya na mas lalong ikinapula ko.

Tumango ako at pinalis ang nararamdaman kong hiya. “Thank you, Dad.” Buong pusong sabi ko sa kanya. Naalala kong kailangan ko ulit magpasalamat sa kanya.

“It’s nothing, anak. Sooner or later, he’ll be my son-in-law.”

Hindi ko napigilan ang pagngiti ako. Mabilis na tumugtog ang mga tambol sa puso ko dahil sa kasiyahan.

“Hindi naman po 'yon ang tinutukoy ko.” pag-amin ko. “I mean, thank you rin dahil hinayaan niyo siyang mag-stay rito sa bahay ngayong gabi. But… the reason why I’m thanking you is because you let him stay in my  life forever. That’s the best gift a father could give to his daughter, Dad.” Punong puno ng pagpapasalamat ang tinig ko. Gusto kong malaman ni Dad kung gaano ako kasaya rito. Na walang hihigit pa sa kasiyahang dinulot sa akin ng araw na ito.

“All the best for my unica iha.” Inabot ng kamay niya ang mukha ko at hinaplos niya ang ilalim ng mga mata ko. Namasa na kasi ang mata ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng isang luha.

“S-sana…” nanginig ang boses ko at lumunok ako. “Sana nandito si M-mommy.” Tiningnan ko si Dad na pumikit. Alam kong 'yon din ang gusto niya.

“I know, Ella. I am hoping for that, too. I’m sorry. This is my fault. Ako ang dahilan ng pag-alis niya.” Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

Sinundan ni Dad ng paliwanag ang kanyang sinabi.

“We were fighting since you left the house. Umuwi ako ng bahay nang wala ka na. Wala man lang siyang masabing dahilan kung bakit ka umalis. Kung hindi ko pa tinanong kay Linda, hindi ko pa malalaman ang mga pangyayari. I’m sorry your mother acted that way. And I didn’t do anything to help you. I’m sorry, Mikaella.” Hinging tawad niya na agad ko ring tinanggap.

“It’s okay, Dad. Ang mahalaga, maayos na lahat ngayon. Sana lang bumalik si Mommy sa kasal ko.” Lumunok ako dahil sa pagbabara ng lalamunan ko. Ang maisip na wala akong ina sa aking kasal ay masakit sa akin. Lahat ay gusto ng kumpletong pamilya sa kanilang kasal. Lahat ay nais na ina at ama nila ang maghahatid sa kanila sa altar.

“She’ll be back. That’s for sure. She won’t miss your wedding, anak. There’s no reason for her not to come back. And you’re the reason why she’s coming back.” Napangiti ako.

May gusto akong i-request kay Dad at sana ay pagbigyan niya ako. Kinamot ng hintuturo ko ang aking ulo.

“Dad…” lumunok ako. “Uh…” Kumunot ang noo ni Dad dahil sa hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now