Kabanata 51

4.2K 82 4
                                    

KABANATA 51 — Daughter

 

Kabado ako sa loob ng sasakyan nang makasakay kami ni Vincent. Sa side mirror ay pinagmasdan ko ang papalayong repleksyon ni Carrive at Cassandra.

Hindi ko malaman ang dahilan ng panunuyo ng lalamunan ko. Isang sikreto lang naman ang nalaman ko ngunit tila binago nito ang kanina ay kalmado at payapang tibok ng puso ko. Parang sa isang iglap din, naisip ko na nalalapit na ang pagbabago ng buong buhay ko. Kinakabahan ako.

I'm happy with what I heard from Carrive. Of course I am happy! Kulang pa nga ang salitang happy para lang maipaliwanag ang kasiyahan ko ngayon. God! Vincent will propose to me. Soon! Kung kailan man ang soon na 'yan, hindi na ako makapaghintay!

Hindi ko alam kung anong klaseng kabutihan ang nagawa ko sa mundong ito para biyayaan ako ng ganito. I still don't think that I deserve all of these. Ang alam ko lang ngayon, kung ano man ang mga magagandang bagay na binibigay sa akin, kailangan kong tanggapin ng buong puso.

Nilingon ko si Vincent nang tumikhim siya. Kagat kagat niya ang kanyang labi na parang may pinipigilang sabihin. Agad akong nakaramdam ng kaba.

"Mika..." Tawag ni Vincent sa akin.

Umayos ako ng upo at hindi pahalatang inayos ang buhok ko. "Hmm?" Tanong ko.

"After this coming week, hindi ka na busy 'di ba?" Tanong niya nang hindi manlang ako binabalingan. Diretso ang tingin niya sa trapiko.

"I-i guess so." Hindi ko siguradong sagot. Mas lalo na rin akong kinabahan kaya hindi na ako makapag-isip ng tama.

“I was just thinking if you could join our family. Anniversary nina Mama at Papa. Gusto ko nandoon ka.” Nilingon ko siya nang sabihin iyon.

“Iniimbitahan mo ako?” tanong ko sa kanya.

“Oo.” Tumaas ang gilid ng labi niya. “Siyempre naman. You’re a part of me now. Kaya parte ka na rin ng pamilya ko. Some of our relatives are invited. Ipapakilala na kita sa kanila.” Napangiti ako sa plano ni Vincent.

“Oo naman, sasama ako.” Pagsang-ayon ko sa kanya. Hindi ko pinahalata pero na-excite ako sa gagawin niya.

Napansin ko pagtanggal niya ng isang kamay sa manibela para hawakan ang akin. “It’s time for them to know about my future.” Linya niyang nagpabilis ng pintig ng puso ko.

Lumunok ako at naalala ang sinabi ng kanyang kapatid. Future. Vincent is thinking about his future with me. Kasama ako roon at saan pa ba hahantong iyon kundi sa konklusyong balang araw ay papakasalan nga niya ako.

Nanginig ang isang kamay kong hindi niya hawak. Mabuti nalang at nakakaya kong pigilan ang sa isa dahil sa mahigpit na kapit niya rito. Kumakalabog ang puso ko at sa tingin ko ay rinig na rinig iyon dito sa loob ng kotse.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now