Kabanata 59

3.6K 77 5
                                    

KABANATA 59 — Good and Loyal Friend

Matapos ng pangyayaring iyon ay si Terrence na mismo ang namilit sa akin na umuwi na ako. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag na rin. Hindi ko na naubos ang beer ko at hindi manlang ako tinamaan kahit kaunti. Diretso akong nakapaglakad papasok ng gate namin hanggang sa bahay.

Sobrang nagpigil si Terrence at nakikita ko iyon sa mga mata at kilos niya. Wala akong magawa kanina dahil sa nerbyos at nakokonsensya ako dahil doon. Paano kung hindi naisip ni Terrence na tumigil? Matutuloy iyon! At kasalanan iyon! Malapit na akong ikasal sa kanyang kapatid at mahal ko si Vincent. Pero kung hindi pa naisip ni Terrence na ikasisira namin iyong dalawa, baka nga natuloy na.

Gusto kong magalit sa aking sarili. Gusto kong tawagan na si Vincent ngayon upang makausap siya huming ng tawad. I want to be honest with him. Gusto kong malaman niya ang nangyari. Pero nagtatalo ang isip ko dahil may mas malalang problema pa si Vincent at ayaw ko nang sumingit pa roon.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Mommy na hanggang ngayon ay suot pa rin ang damit niya kanina sa party.

“Ella! I thought you are not coming home!” sambit niya na may nag-aalalang mukha. Tiningnan ko si Dad na palapit din at nasa likod niya. Naka white polo na lang si Dad at tanggal na ang kanyang tie.

“I’m sorry, Mom, Dad.” Ani ko. “Kailangan lang talaga ako ni Vincent kaya hindi ako sumabay sa inyo.” Kinagat ko ang labi dahil mukhang hindi natanggap ni Mommy ang rason ko sa hindi pagsabay sa kanila.

“And then what happened? Sinaktan ka na naman ba ni Kristin?” nag-aalala ang tono ni Mommy. Hinawakan niya ang pisngi kong kanina ay nasampal ni Auntie Kristin.

Umiling ako. “Hindi na, Ma. Hindi na siya bumalik pagkatas ng nangyari. At, hindi naman sinadya ni Auntie Kristin na sampalin ako.” Magalang ngunit pagod na ang boses ko. Bigla akong dinapuan ng antok. Nakakapagod ang araw na ito. Sa isang gabi lang, marami na agad nangyari.

“Hindi sinadya? That woman! Akala ko ay maganda ang pag-uugali nila. How could she hurt you like that? Parang wala siyang pinag-aralan!”

 

“Aby.” Mahinahong pigil ni Dad.

“Ma.” Iyon din ang ginawa ko. “You know what happened, Mom. Nagulat si Auntie Kristin and she can’t accept na may anak sa labas ang asawa niya. Intindihin na lang natin siya.”

 

“'Yan ba ang ginagawa mo, Ella?” putol niya sa akin. “Is that what you’re trying to do? Halos akusahan ka niya sa kasalanang hindi mo naman ginawa!”

“May kasalanan naman talaga ako, Mommy. Naglihim ako kahit alam ko na.” sagot ko sa kanya. Hindi ko gusto ang pinatutunguhan ng pag-uusap namin. Nanatiling tahimik si Dad. Madalas siyang ganyan. Tahimik kapag naririnig niya kaming nagtatalo ng nanay ko. Bakit? Hindi ko alam.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora