Kabanata 15

7.2K 116 6
                                    

KABANATA 15 — Freedom

Gaya ng palaging nangyayari, napanaginipan ko nanaman siya. Gumising nanaman ako na siya ang laman ng utak ko. Kailan ba nabago ang routine ko na ito? Sa araw araw na ginawa ng Diyos, ito parati ang sitwasyon. Walang nagbago noon pa man hanggang ngayon.

Maybe that is how much I love him. That even in my dream, my heart still beats for him.

Kagabi, umiyak lang ulit ako ng umiyak. Lahat ng luhang pigil pigil ko nung kasama ko siya ay kumawala lahat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung paano kong nagagawang hindi maiyak kapag nasa harap niya at kung paanong walang katapusan ang iyak ko kapag wala na siya. Nasasaktan pa rin ako. Now I don’t know if this pain is still because of him or this is all my fault. Am I to blame? Should I hate myself now?

Kagabi, wala akong kumpirmasyon kung mahal pa rin ba ako ni Vincent. Hindi naman kasi niya iyon sinabi. Hindi naman pwedeng mag-assume nalang ako. Hindi porket ganun ang pinapakita niya ay mahal na niya ako. Though I can’t think of any other reason for what he did but that. Maybe he do, pero kung marinig ko man iyon galing sa kanya, sa tingin ko ay walang mababago sa ginawa ko.

I still have to do the right thing.

Tumayo ako ng kama at nakita ko ang sarili sa head to toe na salamin ng kwarto ko. I looked miserable. Buti nalang ay wala akong trabaho ngayon. I decided to just stay in this house for the whole day.

Pumasok ako ng banyo at naligo. Paglabas ko ay ayos na ang sarili ko. Bumaba ako at nakita ko agad si Nanay Linda na sumasalubong sa akin.

“Ella, anak…” sabi niya nang may pag-aalala sa boses. Itinaas niya ang isang kamay para mahawakan ang pisngi ko. “Anong nangyari kagabi? Nakita kitang humahangos papunta ng kwarto mo. Nagkulong ka na dun. Ni hindi ka manlang kumain.”

“Sorry po, Nay. Tinawag niyo po ba ako?” tanong ko. Hindi ko na rin kasi alam ang mga pangyayari kagabi dahil puro sakit nalang ang naramdaman ko nun.

“Hindi na kita inistorbo. Naisip kong baka pagod ka lang kagabi. Pero ang daddy mo ay nag-alala. Late ka na kasing umuwi at hindi ka pa kumain.” Aniya.

Umiling ako at ngumiti. “Wala naman po kayong dapat ipag-alala. Tama mo kayo. Medyo na-stress lang ako sa trabaho kagabi.” Pagrarason ko.

Tumango si Nanay Linda at nilahad ang kamay paturo ng hapag kainan. “Kumain ka na muna. May lakad ka ba ngayong araw?” tanong niya.

“Wala po. Dito nalang po siguro ko sa bahay.” Sagot ko.

Pumunta ako ng dining area. Wala sila Mommy at Daddy kaya wala akong kasabay na kumain. Nakahain na ang lahat sa mahabang lamesa. Maraming kung anu-anong pwedeng makain. Napapikit ako at umiling. Aanhin ang madaming pagkain kung hindi naman kumpleto ang pamilyang kakain dito.

Paupo na ako nang marinig ko ang matandang boses ng lalaki mula sa kusina. Agad akong napatayo at tumakbo papunta doon.

“'Lo!” tawag ko sa lolo kong nakangisi habang hawak ang isang lagayan ng kanin. “Nandito ka?”

“Oo naman. Aba, namimiss ko ang maganda kong apo kaya bumisita ako dito.” Sinundan ko siya patungo sa hapag kainan. Umupo ako sa pwesto ko sa tabi ng kanto at siya naman doon sa kanto.

Inabot ni Lolo ang ulo ko para himasin ang buhok ko. Nakangiti ako nang gawin niya iyon.

“Halika na. Kumain na tayo.” Sabi niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now