Chapter 15

23.8K 573 19
                                    

Emerald

"Ikaw yung nang iwan, tapos ngayon ikaw yung iiyak iyak diyan?"

Kunot noong tanong ni Saphire nang makita ang lagay ko.

Nagtungo ito sa tinutuluyan ko kasama si Ruby, galing ng pilipinas, para lamang bumisita.

Napagdesisyunan kong tumuloy at magtago muna sa Russia, matapos kong umalis sa bahay noon.

Limang buwan na ang nakararaan mula noong umalis ako. At ang mahirap pa ay, dalawang linggo pagdating ko ng Russia ay doon ko nalamang dinadala ko na ang anak namin ni Zenon.

And yesterday, I found out that I'm carrying twins which I should've expected since I have twins.

Now I'm thinking about Zenon on how he should have reacted if he's here, how it feels like if he's beside me during my pregnancy.

Wala akong karapatang magreklamo kasi ako naman ang nang iwan.

"Oh buntis na panget, eto tubig, pakalasing ka."

Ruby said then handed me the glass of water. Inirapan ko lang siyang pinunasan ang luha ko.

"Gaga ka talaga."

Garalgal ang boses na sabi ko. Saphire sighed, hinaplos niya ang likod ko't niyakap ako.

"Everything is going to be fine, Emerald. Atleast ngayon ay matatahimik na ang buhay ni Zenon at hindi na siya pagtatangkaan pa ng mga taong iyon. Hindi ba't iyon ang gusto mo?"

Tanong niya, napahikbi lamang akong tahimik na umiiyak sa balikat niya.

"Ang arte arte naman kasi eh, puro ka iyak. Kapag yang pamangkin ko naging kasing panget mo, nako!"

Singit ni Ruby na nangongontrabida nanaman.

"Ewan ko sayo! kitang nagdadrama ako dito eh!"

Asar na sabi ko na ikinangisi lamang ng loka.

"Ginusto mo yan, bat ako maaawa?"

Taas kilay niyang sabi na lalo lang ikinasambakol lalo ng muka ko.

"I'm just trying to disract your broken ass, sister."

She rolled her eyes on me.

"Masama sa dinadala mo kapag puro ka iyak, nararamdaman din ng mga pamangkin ko ang nararamdaman ng maarte nilang ina, isn't that what Rhia said?"

Nakapamewang na saad ko.

"Tama si Ruby, Emerald, you should try to stop thinking about him for awhile. Gusto mo bang mamasyal tayong tatlo? just so you could be distracted."

Ngiti ni Saphire na nagpailing lang saakin.

"No, It's okay, I can't risk it. Okay na saaking dinalaw niyo ako."

Ngiti ko.

"Nah it's fine, I'm here and my agents will secure the place that we'll enter. Mamili tayo ng gamit ng mga pamangkin ko."

Ngisi niya na nagpatango tango pa kay Saphire.

"Oo nga noh? tara, let's go."

Saphire said making nod my head and stood up to prepare.

Matapos naming maghanda ay umalis din kami agad sa tinutuluyan.

"Do you have a name for the girls?"

Bachelor Series #4:His Lost Wife(COMPLETED)Where stories live. Discover now