Chapter 9

19.8K 453 19
                                    

Emerald

"Why can't you just call me by my name?!"

Kunot noong tanong nya habang nakahalukipkip ang mga braso at naniningkit ang matang nakatingin saakin at magkasalubong pa ang mga kilay.

I chuckled seeing his expression...

He reminds me of Zaniah with that expression...

Nakagat ko ang labi roon at inilapag ang meryenda namin sa mesa. Ito kasi ag huling araw ng aming business trip at mukang nasapian nanaman ng mabait na engkanto at napagpasyahang bigyan ako ng day off para mag liwaliw.

Yun nga lang ay kasama pala siya.

"I told you, you're my boss."

Iling iling na saad ko, Zenon hissed at me.

"But I want you to call me by my name, Saphire."

He said stubbornly, napakagat ako ng labi doon. He is just like this before, napapikit nalang ako at nailing.

Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyare kaninang umaga.

 I am so tired last night after the conference last night. Kaya matapos kong mag linis ng katawan at magpalit ng pantulog ay nahiga na ako at tuluyang nakatulog. Nalimutan kong kasama ko pala si Zenon sa suit na iyon.

When I woke up I found myself beside him at halos wala ng space sa pagitan ng mga katawan namin. 

Nakasubsob ang muka nito sa leeg ko habang mahigpit ang yakap nito sa  bewang ko, nakalampas na sa kama ang paa niya dahil sa mas matangkap siya ngunit sa leeg ko siya nakasubsob.

Masuyo ang yakap niya saakin animo'y naglalambing.

Just like before. 

Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan nang maalala iyon.

"Nope, You are my boss. were not some kind of friends for first name basis saka ayaw kong maissue."

Iling iling na sabi ko sabay subo nung kinakain ko, saglit itong natigilan at para bang nag iisip, hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy nalang ako sa pagkain dahil excited na akong mag swimming sa beach.

"Let's be friends then, Saphire,I want you to be my close friend from now on. I am not just your boss but I could be your friend too, so from now on you'll call me Zenon or Zeon."

Seryosong saad nya na nagpatigil saakin sa pagsubo. Napakunot noo ako roon habang napatitig nanaman sakaniya.

Okay, he's starting to act weird and friendly!

Mula nang bumalik ako bilang si Saphire ay wala itong ginawa kundi sungitan at pagalitan ako.

"Seryoso ka?"

Kunot noong tanong ko.

"Do I look like I'm joking?"

Ilang sandali pa kaming nagkatitigan di kalaunan ay parehong nag iwas nalang ng tingin.

"Ay akala ko kasi balak mong mag side line sa stand up comedy, o baka nahipan kayo ng mapaghimalang hangin at kakaiba ang kinikilos niyo ngayon bossing."

Kibit balikat kong saad na ikinasimangot nito.

"Friends pala ehh, edi bess nalang?"

Biro ko.

Zenon glared at me making me grin.

"Bestie?"

"Beshie wap?"

"Fren?"

"Becks?"

"Baks?"

Zenon gave me a dead pan look.

Bachelor Series #4:His Lost Wife(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon