Special Chapter

8.6K 243 21
                                    

Zaniah

Napangiti ako sa nagkikislapang mga camera saka nag pose ng nagpose gaya ng nakasanayan. Kinuha kasi akong model ng Magdalene, isang clothing brand na pagmamay ari ni Thaliah Magdalene Juarez para sa summer clothing line for teens.

Kahit kasi 12 palang ako ay dalagang dalaga na ako tignan at may katangkadan din.

"Excellent! you're a natural Zaniah!"

Puri saakin ng sikat na photographer na nagpangiti saakin.

"Thank you po."

Magalang na sabi ko nang matapos ang pang huling photoshoot.

"Zaniah! ang galing mo!"

Masayang sabi ng kakambal ko saakin habang kandong kandong nito ang bunso naming si Dimitri na apat na taong gulang pa lamang.

"Ako pa?"

Pabirong sabi ko sabay flip hair na nagpahagikhik sakaniya.

"Si mommy?"

Tanong ko habang hinahanap siya.

"Susunod nalang daw sila ni daddy mamaya, sabay sabay na daw tayong maglunch."

Ngiti nitong nagpatango tango saakin.

I am only nine years old when I started my modeling career. Kinukuha din nila akong ekstra noon sa mga teleserye at kalaunan ay napasama sa isang blockbuster movie bilang anak nung mga bida.

Matapos iyon ay nagsunod sunod na ang projects ko at todo suporta naman saakin ang family ko dahil alam nilang passion ko talaga ang singing, acting, dancing at modeling.

May mga pinagbidahan na rin akong mga palabas na pambata maging movies sa sandaling panahon na nakapasok ako sa entertainment industry.

Pero alam ko naman ang limitations ko dahil lagi saakin iyon pinapaalala ni mommy at daddy.

Madami ding kumukuha sa kakambal ko, pero hindi niya ito gusto. She's more into arts and studying.

"Hello Dimitri, how's your day?"

Masiglang tanong ko kay bunso, ngunit inirapan ako!

Aba attitude!

"Hoy san mo natutunan yan ha!"

Gulat kong sabi na nagpatawa dito.

"Ginagaya ka kaya niya, diba maldita ka doon sa bago mong teleserye?"

Natatawang sabi nito na nagpanguso lang saakin.

"Eh utos saakin ni Direk."

Napakamot ulong sabi ko.

Maldita kasi ang role ko doon sa bagong teleseryeng kinabibilangan. Ako yung teen ager na character nung isa sa dalawang bida bago sila tumanda.

Nakakatuwa nga dahil kahit first time ko sa ganoong role ay madaming nadadala sa acting ko at naaasar talaga saakin.

Yun nga lang pati si bunso ay iniirapan din ako!

"Okay lang yan, magaling ka naman!"

Hagikhik ni Zanaih saka nagthumbs up pa saakin. Napangiti ako doon saka hinawakan na din sa kamay si Dimitri.

"Tara at sa labas na tayo maghintay kila mommy."

Sambit kong nagpatango tango rito.

"Sasama daw kami sa set nila dad, panonoorin ka namin kaya galingan mo."

Turan ng kakambal ko saka nag fighting sign pa saakin, napanguso ako doon.

"Hala, nakakakaba, manonood kayong lahat?"

Bachelor Series #4:His Lost Wife(COMPLETED)Where stories live. Discover now