[7] LQ

601 24 0
                                    

Chapter VII

LQ

"Good morning Ate Ganda! Gising naaaaa!" Nagising ako sa pagyugyog at pagkalog sakin ng BUTIHIN kong pinsan. Martina nga naman oh.

"3:30 na! Kailangan na nating maghilamos! Magjojogging pa tayo!" Pangungulit niya sakin. "Opo Ate!" Sigaw ko sa kanya

Oo nga pala. Nawala na naman sa isip ko. Magjojogging kami ngayong apat nila Martina, Lucio, Enzo at ako. Parang double date lang, noh? 4AM ang usapan namin at dapat nandun na sa park.

Tumalon ako sa kama ko at nagumpisa nang magshower, magtoothbrush, magbihis ng pangjogging at magpuyod ng buhok. Ganun din ang ginawa ng fan kong si Martina. Hahaha. Pagkatapos ay kinuha ko na ang mga paraphernalia-bottled waters, iPod, earphones and towels.

4AM.

"Hi Kuya Pogi!" Martina shouted sabay pagkaway pa.

"Hello Martina!" Enzo replied. Napatingin ako sa kanya. "Ang energetic ng pinsan mo. Daig ka pa." He smirked.

Daig pala ako ha? Patay ka sakin!

"GOODMORNING ENZOOONG POGIIII!" I shouted at the top of my lungs. Napatakip naman sila ng mga tenga nila.

Bakas sa mata niya na nagulat siya sa ginawa ko. Samantalang mga hindi naman maipinta ang mukha ng dalawang bata.

"Oh ano? Sinong mas energetic?" I challenged him.

"Yung girlfriend kong may sayad sa utak!" Naghagalpakan naman sila sa kakatawa. Halos mamatay na yung dalawang bata sa sobrang tuwa. Letse kayo ha. "Tara na nga!" Yaya niya.

Nag-umpisa na kaming magjogging. Magkatabi sila Martina at Lucio samantalang kami naman ang magkatabi ni Enzo. Sabi ko sa inyo eh, double date 'to. Hahaha!

After 2 hours...

Sa sobrang pagkaboring ko, kinuha ko ang aking iPod at nag-umpisang magpatugtog.

NP: Sing by Ed Sheeran

Napapasabay ako sa pagkanta. After a few minutes, hindi ko namalayang kinuha pala ng katabi ko yung isa at ipinasak sa tenga niya.

"Wow ha. Uso magdala!" Sabi ko sabay tigil.

"Damot!"

"Mas madamot ka!"

"Unnie! Oppa!"

Napalingon kami kay Lucio.

"Ano yun Lucio?" asked Enzo

"Si Martina po, nagdapa!"

Napatingin naman kami kay Martina. Shocks! Oo nga! Nagdudugo pa!

Dali-dali kaming lumapit kay Martina na hagulgol na sa kakaiyak. Nakakainis! Hindi ko man lang napansin. Pakiramdam ko wala akong silbi.

"Enzo? Dala mo ba yung first aid mo?" I asked him.

"Nasa sasakyan. Intayin niyo ko, tatakbuhin ko." Akmang aalis na siya ng bigla siyang pinigilan ni Lucio.

"Huwag na Oppa. Ito na lang." Biglang lumuhod si Lucio at kinuha ang extra towel niya. Ibinalot niya ito sa nagdudugong tuhod ni Martina.

Napanganga naman ako bigla. Pagkatingin ko kay Enzo, ganun din siya.

Napatigil naman sa pag-iyak si Martina.

"Thank you, Lucio. Kahit papano may tinatago ka pa palang kabutihan sa puso mo."

=_____=

Martina talaga oh. Nagawa pang mang-asar.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Okay na po ako Ate Yvaughn. Thank you!" Then, she smiled. Phew. Okay na siya.

Are you Willing to Catch My Fall?Where stories live. Discover now