[21] Wala

368 15 4
                                    

Chapter 21
Yvaughn's POV

Nandito siya.

Nakalimutan ko. Sa kumpanya nga pala siya ng sasakyan nagtatrabaho.

"Nice meeting you, guys." They said in chorus.

Ngumiti ako nang mapait sa kanila. Samantalang sina Reca at Petals, mga nakairap. Daig pa ako.

Tiningnan ko kung saan sila nakatingin. Nakatingin ang mga mata nila kay Georgette. Si Georgette na kasalukuyang nakahawak sa braso ni Enzo.




Sht.


Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at ganun din siya sa akin. Iwas na iwas ang mga tingin namin para sa isa't-isa.

"Hi Enzo. It's nice to see you, AGAIN." Pagdidiin ni Petals.

Hindi man lang umimik si Enzo. Hindi na siya yung dati. Hindi na niya kami pinapansin. Parang bigla kaming nawalan ng saysay sa buhay niya.

Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Xander. Hindi lang pala ako ang nagulat, kaming lahat.

Napatingin agad si Ram kay Enzo. Napangisi naman si Georgette. Samantalang umalis naman sina Reca at Petals. Binigyan nila nang makahulugang tingin si Xander bago umalis. Sumunod naman kina Reca at Petals sina Ram at yung isa pa nilang kasama. Kami na lang apat ang naiwan dito.

"Ka-kayo na ba?" Diretsa kong sinabi sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Hindi ko alam. Ang importante sa'kin ngayon ay malaman ko kung mahal pa ba niya ako o hindi na.

Hindi ko makita ang itsura niya ngayon dahil may taklob ng maskara. Pero nagulat ako nang tumingin siya sa'kin ng diretso.




Please Enzo, huwag.



"Hindi." Diretsa niyang sabi. Napatingin sa kanya si Georgette. Samantalang ako, gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang tuwa.

Alam ko. Mahal niya pa rin ako. At hindi niya ako matitiis.

"Pero malapit na."

That statement totally breaks my heart. Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Ano raw? Malapit na? Ibig sabihin... nagkakamabutihan na silang dalawa? Nagkamali pala ako ng alam.

Pinipigilan kong huwag umiyak. Huwag Yvaughn. Huwag ngayon. Huwag ngayong sa harap niya.

Lalong humigpit ang pagkakaakbay sa'kin ni Xander.

"Parehas pala tayo dude. Ang pinagkaiba nga lang, MU kami."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Xander. Siniko ko siya nang palihim dahil dito.

"Sabi na." Enzo murmured to himself.

"Paano ba yan? Una na kami. Bye, Toyota." Nagwave si Xander. Aalis na sana kaming dalawa doon ngunit pinigilan siya ni Enzo.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin pala tapos sa'king gago ka." Hindi ko makita ang itsura ni Enzo. Pero base sa boses niya, halata mong galit na galit siya nang sinabi niya yun kay Xander. Ano bang meron sa kanilang dalawa?

"Chillax bestfriend. Ako ngayon ang bahala sa syota mo." Mapang-asar na sagot ni Xander.

Xander winked at him saka kami umalis. Anong nangyayari? Magkakilala ba talaga silang dalawa? Bakit parang may past ang dalawang 'to?

Are you Willing to Catch My Fall?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα